Thursday 6 October 2022

Andrea del Rosario is the 'hot momma" of May December January

 

By Archie Liao

Nakilala si Andrea del Rosario bilang isa sa orihinal na miyembro ng Viva Hot Babes noong early 2000. Naging pantasya rin siya ng mga kalalakihan sa kanyang mapangahas na lead role sa pelikulang Lupe noong 2003. After almost two decades, marami nang naging pagbabago kay Andrea. 

Naging public servant siya, businesswoman at sa kasalukuyan ay may 12 year daughter na siya from a previous relationship. Pero, kung may isang bagay man na hindi nagbago sa "hot momma" through the years, ito raw ay ang passion niya for acting. Kaya naman nang kinausap siya ni Boss Vic del Rosario para magbidang muli sa pelikulang May-December-January, halos hindi raw siya makapaniwala. Aniya, kontento na raw siya na gumaganap sa supporting roles kaya wala na siyang expectations na makapagbibida pang muli. Napaisip din daw siya kung at her age ay kaya pa niyang magpaseksi tulad nang ginawa niya noon sa Lupe. 

 

 

Gayunpaman, nang mabasa raw niya ang iskrip ni Ricky Lee, sobra raw siyang na-in love sa karakter ng female lead. Para sa kanya, it's a role of a lifetime na hindi dapat palampasin. Flattered din siya na sa kanyang edad ay itinuturing siyang isa sa hot mommas sa showbiz na may asim pa. 

Nakatulong daw marahil na positive ang outlook niya sa buhay kaya napanatili niya ang seksing pangangatawan. Sa May-December-January na palabas na sa mga sinehan sa Oktubre 12, ginagampanan ni Andrea ay papel ng isang nanay na may anak na bading na ang boyfriend ay na-in love sa kanya. Mula sa direksyon ni Mac Alejandre, tampok din sa pelikula sina Gold Aceron at Kych Minemoto.

 

No comments:

Post a Comment