Friday, 18 May 2018

Ara spearheads a run for a cause for people with Down Syndrome




By Archie Liao

Magsasagawa  ng  fun run ang actress-enterpreneur na si Ara Mina.
Ito ay tinawag na “tARA na sa ARenA 2018” kung saan dadaluhan ito ng maraming kilalang celebrities at participants.

Layunin ng event na makalikom ng pondo at matulungan ang mga batang may down syndrome.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-fund raising si Ara for the same cause.
Magugunitang noong 2006 ay nagdaos siya ng concert sa Araneta Coliseum kung saan ang proceeds ng show ay napunta sa mga batang may down syndrome.

Malapit sa puso  ni Ara ang adbokasyang ito  dahil may down syndrome rin ang kanyang nakababatang kapatid na si Batching (Mina Princess Klenk).

“Mahirap ang kanilang situwasyon at kailangan nila ng kalinga at pang-unawa. It’s also an awareness campaign para sa mga magulang at mga kapatid kung paano nila aalagaan ang mga taong may down syndrome na very useful naman dahil ang iba sa kanila ay nagtratrabaho na, naka-graduate na at  maraming special skills na naging productive,”aniya. “With this fun run, gusto naming maka-raise ng funds para marami pa tayong maisip na mga projects at activities para sa kanila,” dugtong niya.

Gaganapin ang “tARA na sa ARenA” sa Mayo 27 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Mula 500 meters hanggang 10 kilometers ang puwedeng salihan ng mga gustong lumahok.

Para sa mga interesado, puwede sa mga interesado, puwede kayong mag-register online at www.runrio.com or at the following registration sites: Toby’s Sports, Hazelberry Café and Philippine Arena.

Beneficiary ng project na ito ang Down Syndrome Association of the Philippines.



 

No comments:

Post a Comment