Thursday, 8 March 2018

Sam Milby, not giving up on his Hollywood dream




By Archie Liao

Pursigido noon ang Kapamilya hunk actor na si Sam Milby na i-pursue ang kanyang Hollywood dream. 

Katunayan, napabalita noon na muntik nang i-give ng “Ang Pambansang Third Wheel” actor ang kanyang career para lamang sa kanyang pangarap na maging international actor. 

Sa ngayon, gusto pa rin daw niyang matupad ang dream na iyon subalit hindi niya maisingit sa kanyang schedule dahil abala siya sa sunud-sunod na proyektong dumarating sa kanya. 

Aminado rin siyang hindi na siya ganoon ka-passionate na karerin ito kumpara noong una. 

 “I don’t know. To be honest, I was more passionate before. But iyon nga, like what you have said, I have to work. Iba kasi riot sa atin, napakabilis ng turnover rate, you need to be present. If I really want to try, I need to stay there. Ang hirap umalis dito nang matagal. If I left, people need to see you otherwise makakalimutan ka. It’s hard to make a decision to leave here and to give it up for something na hindi ka pa sigurado kung tanggap ako roon. Even if some people feel that I have a good chance and they’re pushing me to be there, still, this is still my home,” aniya. 

 Nakatakda sana siyang mag-audition sa ibang shows sa States, subalit muli na naman itong naunsyami. 

“In the States kasi, it’s the pilot season now. That’s the best time na ang daming ino-offer sa mga TV stations na mag-audition. This is the time na dapat nandoon ako. Kung gusto kong mag-audition, I need to be there. So far, I’m still happy and content being here because I have work here. It would be exciting if I even got work there . Siyempre, mas likas siya. Iyong lengguwahe niya, mas mai-express mo iyong emotion kapag Ingles. But I still appreciate,everything that’s happening to me right now. I’m still happy with the work I’m still doing here. I’m also committed to the teleserye with Jericho, Yen and Yam,” pahayag niya. 

Naniniwala siyang makapaghihintay din ang kanyang Hollywood dream kung talagang itinakda ito sa kanya. 

 Ayaw na rin niyang bigyan ng time frame kung kailan niya ito matutupad. 


“Iyon kasi ang maganda sa States, walang age range. When you’re in your youth, you’re in your prime just like Kathniel, Lizquen and Jadine. It’s your prime. Sa States, habang tumatagal kahit may edad na, para siyang alak, mas in demand siya. Puwede ko namang gawin ang mag-audition in the future. If if comes in the future na wala akong masyadong ginagawa and I have the opportunity to audition, then I’ll be there and join up,” paliwanag niya. 

Kung hindi raw naman matupad ang pangarap niya, kuntento na rin daw siya dahil may napatunayan naman siya sa kanyang karera. 

“If it never happens, I’m not worried kasi I’m super happy how’s everything in my life. I’m in a good place right now. That’s what life is all about. Being content and finding that happiness and being blessed,” pagwawakas niya. 

 Mapapanood si Sam sa pelikulang “Ang Pambansang Third Wheel” na palabas na sa mga sinehan kung saan ginagampanan nya ang papel ni Neo, isang art director na muling magpapatibok sa sawimpalad na puso ni Trina, isang copywriter sa isang advertising agency. Nagbabadyang maudlot ang kanilang romansa nang malaman ng huling may anak na at buhay pa pala ang ex wife ng una. 

Bagamat nagkasama na sa “Camp Sawi”, ang “Ang Pambansang Third Wheel” ang unang romantic screen teamup nina Yassi Pressman at Sam Milby. Mula sa produksyon ng Ideafirst Company at Viva Films at sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal (I America, The Comeback), tampok din dito sina Alonzo Muhlach at Sam Pinto bilang anak at ex-wife ni Sam.



 

No comments:

Post a Comment