Monday 12 March 2018

Direk Ivan Payawal is feeling the pressure of his first ‘mainstream’ movie




By Archie Liao

Malaking pressure sa director na si Ivan Andrew Payawal ang kanyang pelikulang “Ang Pambansang Third Wheel” dahil ito ang kauna-unahan niyang mainstream film. Ibinigay din niya ang kaibahan sa pagtratrabaho sa kanyang dalawang indie films (The Comeback, I, America) kumpara sa bago niyang pelikula na iprinudyus ng Ideafirst ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana at ng Viva Films. 

“Malaki ang difference. Iyong mga nauna ko kasing pelikula, I had to shell out financially some money. May money akong inilalabas, pati iyong savings ko, nagagalaw ko. Dito, ito ang masasabi kong pelikula na hindi ako gumastos ni isang pera kasi ang Ideafirst at Viva ang nagprodyus. Kumbaga, ako lang po ang na-hire para magdirek at magsulat ng pelikula,” aniya. “Pero, mas doble ang pressure kasi gusto ko pong kumita ang pelikula dahil aware po ako na may mga expectations sa akin ,” pahabol niya. 

Ikinuwento rin niya kung paano nabuo ang konsepto ng pelikula. “Sina Direk Jun po kasi ang nagbigay ng title. Nanggaling po siya sa pamangkin nila. From the title, doon ako kumuha ng inspirasyon. Gumawa ako ng story about iyong mga experiences ng mga third wheel. Galing din siya sa mga kuwento ng mga kaibigan ko at sa personal na experiences ko,” paliwanag niya. Aminado rin siyang fan siya ng ‘hugot’ films at ito rin ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng pelikula. “I’m a fan po kasi ng “Camp Sawi”. Noong napanood ko iyon, na-inspire talaga ako. Na-inspire akong gumawa ng istorya tungkol sa mga single na laging libre. Sila iyong shoulder to cry on pero minsan sila rin iyong naa-out of place lalo na kung may public display of affection iyong mga friends niya na magnobyo. Pero, ang maganda roon, sila iyong pinagkakatiwalaan ng kanyang mga kaibigan pagdating sa matters of the heart,” sey niya. Bilang isang single, nakaka-relate rin daw siya sa tema ng pelikula. 

“Ang pelikula ay tungkol kay Trina (Yassi Pressman), na lagi na lang third wheel. Ang mga third wheel ay ang mga single na naghihintay dumating ang the one sa kanilang buhay. At habang naghihintay sila, sumasama sila lagi sa mga couple friends niya. There’s a different twist sa story. Kasi usually pag third wheel, ito ‘yong lagi dumidikit sa couple friends pero here sa movie, she entered a relationship kung saan si Neo, character of Sam Milby, ay may anak at kailangan niyang pakisamahan ang anak nito. Third wheel pa rin siya. 

Basically, the story tackles the challenges of being in a relationship and trying hard to work on it kasi sabi nga nila, kapag mahal mo ipaglalaban mo talaga,”esplika niya. All praises rin siya sa kanyang mga lead stars na sina Yassi Pressman at Sam Milby. “The best thing about Yassi is her dedication sa work niya. She’s so hardworking. Kahit puyat at pagod ‘yan galing sa taping ng Ang Probinsyano, she comes on time. She comes prepared. Never yan nagreklamo. Never ko yan nadinig na magsabi na pagod na siya. Binibigay niya more than 100% kaya gaganahan ka ring magtrabaho.

 Her corny jokes are the best! Ako lang yata tumatawa sa jokes niya. Si Sam naman, he is one of the most kind-hearted people I know. He comes in on set always with a smile. He makes sure na busog ang mga tao sa set dahil lagi yan nagpapakain. And when it comes to work, he’s very focused. Makikita mo na mahal niya ang trabaho niya kaya siya tumatagal sa industriya. There was one time, sumakit ang sikmura niya sa set dahil acidic pala siya. 

We were telling him na isusugod na namin siya sa ospital. Kasi hirap na siyang tumayo sa sobrang sakit. But he didn’t want to leave, he wanted to finish his sequences kasi nahihiya siya sa mga tao. Kaya mahal na mahal namin sina Yassi at Sam,” pagwawakas niya. 

Kasama rin sa cast ng “Ang Pambansang Third Wheel” sina Al Tantay, Alonzo Muhlach, Sam Pinto, Candy Pangilinan, Francine Prieto, Kim Molina, Cholo Barretto, at Bob Jbeili.




No comments:

Post a Comment