Thursday, 15 March 2018

Acclaimed writer-director Bibeth Orteza named Tofarm festival director



By Archie Liao

Acclaimed writer-director Bibeth Orteza named Tofarm festival director Archie Liao Naidirek na ng namayapang director si Maryo J. delos Reyes si Bibeth Orteza sa pelikulang “High School Circa ‘65” kaya isang karangalan para sa kanya na mapiling festival director ng Tofarm Film Festival bilang kahalili niya. “Actually, when I came into the picture, may mga ilan na silang nakausap. She chose me not only in terms kung marami na bang awards, but my capacity to the task that was left behind by Direk Maryo,” paliwanag niya. 

Kahit daw siya ay hindi niya pinangarap na mapupunta sa kanya ang trabahong naiwan ng beteranong director. Aware rin siya na baka pagtaasan ng kilay ang kanyang pagkahirang lalo pa’t maraming director na mas batikan kaysa sa kanya. “Noong ngang napili ako, I asked why. I’m aware naman that I haven’t directed a movie. I directed a lot of stuff on television. So, ang tanong ko, bakit ako? Ang sagot sa akin, I’m maternal. Direk Maryo was, in that way, maternal to the point na he would meet with the filmmakers kung ano ang problema sa iskrip. 

They would discuss along with the filmmakers what needs to be done. It was that quality that they found with me. Hindi dahil sampu na ba ang awards ko o ano. I was not that,” paglilinaw niya. Ayon pa kay Bibeth, gusto niyang ipagpatuloy kung anuman ang nasimulan ni Direk Maryo J sa Tofarm last year. “We decided to make sure to continue ang karamihan ng mga nasimulan ni Direk Maryo,who was really on top of that kaya we’re drawing back at the time na he had this meeting with the selection commitee nina Raquel Villavicencio. 

He left kasi with the verbal instructions to the committee which he did not jot down and we want to continue that," sey niya. Dagdag pa ni Bibeth, may soft spot din sa kanyang puso ang Tofarm. "Para kasing si Direk Maryo, pabalik-balik siya ng Bohol.I think also what I said na ang grandfather ko was a farmer so may soft spot siya sa akin. Personally, pangarap ko na magkaroon ng movie sa Tofarm na comedy. Iyong mga kamag-anak namin sa Samar, kahit gaano kahirap ang buhay, kahit may threat ng bagyo, tumatawa talaga sila. Sa pelikula nga natin, kahit na may inililibing, nagagawa pa rin ang katatawanan. Ganoon naman talaga ang Pinoy. 

Ganoon ang nuances ng mga Pinoy. We’re able to survive the challenges because we laugh and I want to see that kind in this festival,"deklara niya.. Bilang festival director, ayaw ni Bibeth na maakasuhang pinapaboran siya kaya bawal dito ang mag-amang Carlitos at Rafa. "Kasi parang ang sagwa. Pag kinuha ko naman sila, baka sabihin na… In-explain ko naman sa anak ko na “Anak, pag kinuha ka, it’s not as if naman na malaki kang artista na pag ginawa mo, makakatulong ka sa Tofarm. But the fact is you’re just a beginning actor, practically tatlong taon ka pa lang na para namang gagamitin mo iyong festival para sumikat ka at magkapangalan na parang ang sagwa kung mother ako,"hirit niya. Masaya namang ibinalita ni Bibeth na matagal na siyang cancer-free. "I’m in my 14 years of remission and I thank God for that,"pakli niya. "Ang problema kasi sa cancer, parang true love iyan na pag tinamaan ka, babalik siya. 

Kaya nga, I decided noong tinamaan ako na I’ll just be of service to my family and to the community," pagwawakas niya. Ang Tofarm Film Festival ay brainchild ni Dra. Milagros How, CEO ng Universal Harvester, Inc. at Tofarm Chief Advocate. 

Layunin ng festival na bigyan ng pagpupugay ang ating mga magsasaka at mga uring manggagawa. 

Ang Tofarm Film Festival ay tumatanggap na mga kalahok kung saan ang deadline ay itinakda sa April 20, . Ang ika-3 edisyon ng Tofarm Film Festival ay idaraos mula September 12 to 18.





No comments:

Post a Comment