Wednesday 18 August 2021

Madam Inutz is in good hands with Wilbert Tolentino

 

by Archie Liao
 
Tila wala nang makapipigil sa pag-arangkada ng kasikatan ng viral online seller na si Madam Inutz(Inutil)  o Daisy Lopez na na-feature noon sa KMJS.

Bukod kasi sa marami na ang naho-hooked sa kanyang videos, paparami na rin ang gustong makipag-collab sa kanya tulad nina Ethel Booba at Donita Nose.

Trending din ang paggaya sa kanya ni Pokwang na ibig sabihin ay napakalaki ng potensyal niya kaya siya in-impersonate ng komedyana.

Just recently,  naging usap-usapan si Madam Inutz sa paglayas nito sa Star Image Management.

Napagtanto kasi niya na may butas o 'lapses' sa kanyang kontrata sa dating management company.

Masasabing hindi rin balido ang kontrata niya rito dahil expired na passport ang ginamit niya sa kanilang kasunduan na tinanggap naman ng nasabing management.
 
 

 
Nagulumihanan din siya nang kunin ng mga ito ang kanyang cellphone kung saan ang mga ito ang sumasagot sa mga tawag sa kanya na aniya'y mali. 

Obserbasyon naman ng showbiz insiders,  kung maaalagaan lang mabuti ang karera ni Madam Inutz ay magpapatuloy ang pag-imbulog ng kasikatan nito.

Katunayan, tiyak na marami rin itong kakabuging social media stars with the right management. 

Halos unanimous naman ang nagsasabing swak na swak  ang businessman-philantrophist at kapwa niya vlogger na si Wilbert Tolentino na mag-manage ng kanyang career. 

Bukod kasi sa business acumen ng pilantropo,  sigurado ring hindi siya mae-exploit nito. 

Makatao kasi at may malasakit sa kapuwa ang dating Mr. Gay Universe. 

With Tolentino as manager cum financial adviser, matuturuan din niya si Madam Inutz kung paano ii-invest ang kanyang kita. 

Sa track record din ni Tolentino, never na nasangkot ito sa kontrobersya sa pera dahil parehas ito maging sa kanyang mga empleyado. 

Siya rin ang itinuturing na Kuya Wil II dahil umaayuda siya sa bawat episode ng kanyang vlog tulad nang na-upload kamakailan sa  2 Minutes Shopping.

Speaking of collaboration, mapapanood na rin sina Wilbert Tolentino, Madam Inutz kasama si Herlene Hipon Girl sa Wilbert Tolentino Vlog, ang official YouTube Channel ni Wilbert Tolentino. 

May sorpresang handog si Sir Wil na nagbigay ng P200 thousand sa mag-ina:P100 thousand para kay Madam Inutz at P100 thousand sa nanay niya na may sakit.

Sobrang pasasalamat naman ni  Madam Inutz sa pagiging bukaspalad  ni Sir Wil kaya naman ihanda ninyo din ang inyong sarili sa makaantig-damdaming mga tagpo sa kanilang unang collab.
 
 

No comments:

Post a Comment