Thursday 8 April 2021

Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert

 

By Archie Liao

Isa sa pinakamatinding tinamaan ng dagok ng pandemya dala ng Covid-19 ang local entertainment industry.

Natigil at nakansela kasi ang mga live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat.

Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC), ay bumuo ng virtual concert titled “AWIT SA PANDEMYA .... A PMPC BENEFIT CONCERT“   na magaganap sa  sa  April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8:00 PM  (PHST & SGT), 5:00 AM  (PDT).

Isa itong virtual concert kung saan magsasama sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa.  

Ang AWIT SA PANDEMYA ay fundraising concert na hindi lang layong makapagbigay ng  kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng pondo.

Ang proceeds ng show ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at mga may sakit na miyembro nito.  

Tampok sa hindi dapat kaligtaang musical event ang mga naglalakihang pangalan sa music industry tulad nina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro,  Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma.

Kasama pa ( in alphabetical order) sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy, at ang Zcentido Ska Band.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng  SPECIAL PROJECT COMMITTEE ng PMPC na binubuo nina  Over-all Chairman/ at President ROLDAN CASTRO , Chairman/ VICE PRESIDENT FERNAN DE GUZMAN , Co-Chairman ROMMEL PLACENTE at ang mga miyembro nito na sina RODEL FERNANDO, BOY ROMERO, MILDRED BACUD, TIMMY BASIL at JOHN FONTANILLA.

Tumulong din ang iba pang PMPC Officers at  Members sa Publicity at Promotions ng "AWIT SA PANDEMYA.

Mabibili na ang tiket sa ticket2me.net. Stay safe at the comfort of your homes and enjoy the show.


No comments:

Post a Comment