Para sa karamihan sa atin, bangungot na maituturing ang community quarantine o lockdown na dulot ng Covid-19.
Blessing in disguise naman ito para sa iba dahil naging pagkakataon ito para sa pagmumuni-muni at matimbang ang mga bagay na tunay na pinahahalagahan natin sa buhay kagaya ng pagmamahal sa Diyos, sa pamilya at sa ating kapwa.
Anu't ano pa man,sinubok at patuloy na sinusubok ng pandemyang ito hindi lang ang ating katatagan kundi pati na ang ating katinuan.
Dahil sa pandemya ring ito, maraming nawalan ng hanapbuhay at kabuhayan.
Nabalot ng hinagpis ang ating bayang nalugmok sa dusa dahil sa coronavirus.
Sa lahat ng ito, may isang taong nagpaalala sa atin na masarap at masaya pa ring mabuhay. Ipinadama niya na karamay natin siya sa lahat ng ating pinagdaanan: ang matagumpay na entrePinoy at nangungunang LGBTQ personality na si Wilbert Tolentino.
Tulad ng liwanag sa dilim, nagbigay siya ng ngiti sa ating mga mata.
Hindi naging hadlang ang lockdown para aliwin niya tayo sa kanyang virtual events katulad na lamang ng kanyang mga patimpalak online.
Tulad ng kanyang mga adbokasya, pinag-usapan ang kanyang SirWil challenge na ang layunin ay magbigay ng ayuda sa mga kababayan nating apektado ng pandemya.
The Show Must Go on, 'ika nga.
Sa panahon ng pandemya, kailangan natin ng kasanggang aalo sa ating kalungkutan at pansamantalang susupil sa ating pagkaburyong.
Dito,pinag-usapan ang kanyang virtual contests na bukod sa mataas na 'aliw' factor ay naipapalaganap pa niya ang kanyang adhikain na:Stay Home! Save Lives! We Will Beat Covid-19!
Sinubaybayan online ng pageant aficionados ang kanyang Queen of Lockdown Transformation kung saan nagwagi si Popoy Son Roxas.
Patok din ang kanyang brainchild na Ginoong Quarantino kung saan tinanghal si Allen Ong Molina bilang kampeon.
Kumasa rin sa Drag Queen challenge si Lady Ivana.
Winner din bilang Most Beautiful Beki si Marianne Crisologo at tinanghal namang Extreme Cutie Quest grand champion si Mary Letim Ponce.
Panalo rin bilang Online Star Influencers sina Sachzna Laparan at Shaina Denniz sa Seasons 1 at 2.
Naglaan din siya ng cash prizes at relief packs sa kanyang Wil or No Wil online game shows.
Dahil mahal niya ang entertainment press, inilunsad din niya ang Sir Wil Media challenge para sa entertainment, lifestyle at pageant writers.
Naniniwala kasi ang dating Mr.Gay World winner na malaki ang ambag ng press sa pagpapalaganap ng mabuting balita tungkol sa world class at disenteng live entertainment shows sa bansa.
No comments:
Post a Comment