Thursday, 28 February 2019

4th Singkuwento International Film Festival winners announced




By Archie Liao



Nanalo ng kanyang kauna-unahang best actor award ang magaling na actor na si Richard Quan sa full-length film para sa kanyang pagganap bilang isang Hapones na naging kakampi ng mga Pinoy noong panahon ng mga Hapon sa period film na Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan sa ika-4 na edisyon ng Singkuwento International Film Festival na ginanap sa Leandro Locsin Theater sa NCCA sa Intramuros,Manila. 

Wagi namang best actress sina Celestine Caravaggio at Issabelle Lafond sa full length category ng pelikulang Pur Laine. 

Best supporting actress ang beteranang actress na si Gina Pareno at best supporting actor ang indie actor na si Tonz Are para sa Rendezvous sa full-length category.
Panalo namang best director si Alexander Cruz ng pelikulang Pur Laine na tinanghal ding best full length film at recipient ng Golden Philippine Eagle award. 

Jury Prize naman ang Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan at winner ng best cultural award ang Pur Laine. Tie naman sa best actress category sina Angeli Bayani ng Ang Nagliliyab na Kasaysayan at Cataleya Surio ng Paano Bihisan ang Isang Ina? sa short film category. 

Nag-uwi naman ng trophy para sa best actor sa short film category si Felipe Martinez ng Wa Nan. Wagi ring best short film ang Ang Nagliliyab Na Kasaysayan ng Pamilya dela Cruz.
Jury Prize ang Wa Nan at best cultural film sa short film category ang Dalit.
Recipient ng Golden Philippine Eagle award ang Theo sa short film category. 

Ito pa ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa ika-4 na edisyon ng Singkuwento International Film Festival Philippines Manila.

 Full Length Category: 

Best Hair and Makeup: Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan
Best Musical Score: Kapayapaan sa Gitna ng DigmaanBest Editing: Pur Laine Best Original Theme Song: Light in the Afternoon by Shadowland, Pur Laine
Best Costume Design: Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan
Best Production Design: Pur Laine
Best Cinematography: Pur Laine
Best Screenplay: Pur Laine
Best Supporting Actor:  Tonz Are, Rendezvous
Best Supporting Actress: Gina Pareno, Rendezvous
Best Actor: Richard Quan- Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan
Best Actress; Celestine Caravaggio at Issabelle Lafond, Pur Laine
Jury Prize: Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan
Best Cultural Film: Pur Laine
Golden Philippine Eagle Award: Pur Laine
Best Director: Alexander Cruz, Pur Laine
Best Full Length Film: Pur Laine
Audience Choice: - Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan 

Documentary Category: 

Best Documentary: Takip Sining
Best Director: Arby at Christine Larano, Liwanag 

Short Film Category: 

Best Hair and Make Up; Dalit
Best Visual Effects: Theo
Best Sound Design: Ang Lumunod sa Atin
Audience Choice: Bisperas
Best Original Musical Score: Ang Lumunod sa Atin
Best Editing: Ang Lumunod sa Atin
Best Child Performer: Miel Espinosa, Kung Di Man Dumating Ang Gabi
Best Original Theme Song; Binhi ni RM Sambayan, Ang Nagliliyab na Kasaysayan ng Pamilya dela Cruz
Best Costume Design: Ang Nagliliyab na Kasaysayan ng Pamilya dela Cruz
Best Production Design: Dalit
Best Cinematography: Ang Huling Bucket List
Best Screenplay: Ang Nagliliyab na Kasaysayan ng Pamilya dela Cruz
Best Supporting Actor: Alexis Negrite, Delta
Best Supporting Actress: Lui Manansala, Limang Oras
Best Actor: Felipe Martinez, Wa, Nan
Best Actress: Angeli Bayani, Ang Nagliliyab na Kasaysayan ng Pamilya dela Cruz at Cataleya Surio, Paano Bihisan ang Isang Ina?
Jury Prize: Wa Nan
Best Cultural Film: Dalit
Golden Philippine Eagle Award: Theo
Best Director: Sonia Regalario, Ang Lumunod sa Atin
Best Short Film: Ang Nagliliyab na Kasaysayan ng Pamilya dela Cruz
Ginawaran din ng Lifetime Achievement Award ang beterano at multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia.

Ang ikaapat na edisyon ng Singkuwento Film International Film Festival ay pinamumunuan ni Robert Reyes Ang at ng festival director na si Perry Escano.




No comments:

Post a Comment