Monday, 29 July 2024

New child wonder Serena Pearce stars in “Putik sa Mukha ni Angelita”

 

By Archie Liao

May bagong dapat abangang child wonder sa showbizlandia. Ito ay walang iba kundi ang 11-year old Zamboanguena stunner na si Seren Pearce. Siya ang bida at title roler sa pelikulang “Putik sa Mukha ni Angelita” na iprinudyus ng Sining Tahanan Production House at CK Film Production. Ito ay huling directorial job ng batikang filmmaker na si EDz Espiritu with Robin Obispo as assistant director. 

Ani Serena, bata pa raw siya ay pangarap na niyang mag-artista. “Mahilig po kasi akong manood noong mga napapanood kong umaarte kaya sabi ko, balang araw, gusto ko rin pong umarte,” ani Seren. Hirit pa niya, supportive raw naman ang kanyang parents sa pagpasok niya sa showbiz. ‘Supportive po ang Mommy ko at ang Dad ko po sa dream ko po at thankful naman po ako ,”kuwento niya. Pagbibida pa niya, nag-audition din daw siya at sumalalim sa workshops bago siya napili sa title role. 

 


 

“Nag-audition po ako pero hindi ko na po matandaan kung ilan po kami. Tapos nagkaroon po ng script reading. Nag-workshop din po ako kay Tito Tom Adrales,” pahayag niya. Bukod sa pag-arte, kumakanta rin si Seren. “Ako po ang kumanta ng theme song po ng movie,” bulalas niya. Bilang baguhan, idol daw niya ang singer-actress at Popstar royalty na si Sarah Geronimo. 

“Magaling at versatile po kasi siya,”pakli niya. Tulad ni Sarah, love rin daw niya pareho ang singing at acting kaya ito ang idolong gusto niyang sundan ang yapak. Maliban kay Sarah, malaki rin daw ang paghanga niya kay Stell Ajero na miyembro ng kilalang all male Pinoy pop group na SB19. Si Seren ay napili ring contestant sa isang upcoming reality singing talent search show. 

Sa “Putik sa Mukha ni Angelita”, ginagampanan ni Seren ang papel ng isang batang hinahanap ang kanyang nawawalang ina. Tampok din sa cast sina Christy Imperial, Angel Raymundo, AJ Ferrer, Patricia Ismael at Caramel. Kasama naman sa supporting cast sina Aldrich Darren, Ivo, Gelo Feliciano at marami pang iba.

 

No comments:

Post a Comment