Saturday, 20 July 2024

Isko wants to make Manila the 'hopia' capital of the Philippines

 

By Archie Liao

Paboritong delicacy ni Isko Moreno ang hopia.

Para kasi sa kanya, ito ang pagkaing abot ng masa at patok sa panlasa ng lahat ng tao na nasa anumang estado ng buhay.

Katunayan, layunin niyang mai-promote pa ang nabanggit na pagkain na naging bahagi  na ng kulturang Pinoy.

Kaisa rin siya sa selebrasyon ng National Hopia Day na naglalayong ipaabot sa kamalayan ng lahat at maging sa millennials ang kahalagahan ng pagkaing ipinamana pa ng ating mga ninuno.

"Ang hinohopia ko sana makilala ng bagong administrasyon ang isang pagkain na ipinakilala sa atin ng ating mga lolo't-lola, ng ating mga tatay at nanay na hopia," aniya.

Binati rin niya ang mga negosyong patuloy na itinataguyod ang paggawa ng nasabing produkto.

"I would like to congratulate local businesses who are producing this delicacy na malapit sa puso natin at sana mapalapit din sa ating mga kabataan o Gen Z," dugtong niya.

Katunayan, isinusulong niya na maging hopia capital ang Maynila.

"Alam naman natin na itong Pinoy-Chinese delicacy ay very popular sa Chinatown which is one of the oldest if not largest communities in the world," paliwanag niya."Ang pagkakaroon ng ganitong event is a boost hindi lang para mapasigla ang food industry  kundi sa creation of more jobs and even tourism," pahabol niya.

Masaya rin siya na kahit wala na siya sa serbisyo publiko ay naiimbitahan pa rin siya sa mahahalagang okasyon katulad ng National Hopia Day.

"I am happy, honored and humbled na kahit wala tayo sa service ay naiimbitahan tayo to be part of this event," bulalas niya.

 


Hindi naman niya ikinaila na may clamor ang iba't-ibang sektor para kumandidato siya sa susunod na election.

"Oo nga raw,eh.Will pray.Will pray for that," pakli niya.

Sa National Hopia Day na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall kamakailan, naging panauhin din ang beauty guru na si Cory Quirino at ang magaling na aktres na si Diana Zubiri.

Dinaluhan din ito ng Eng Bee Tin President at CEO Gerie Chua na inspirasyon ang mensahe ng tagumpay sa mga struggling entrePinoys.

No comments:

Post a Comment