Friday, 27 April 2018

Nicco Manalo denies competition with Jerald Napoles


By Archie Liao

Isa si Nicco Manalo sa mga bida sa pelikulang “Gusto Kita with all My Hypothalamus” ni Dwein Baltazar na kalahok sa ikatlong edisyon ng Cine Filipino filmfest.

Ang pelikula ay kuwento ng apat na hindi magkakakilalang lalake na pinagtagpo ng tadhana sa paghahanap nila sa  isang  misteryosang babae.

Ayon pa kay Nicco, bagong challenge sa kanyang kakayahan bilang actor ang kanyang role sa nasabing pelikula.

“Ako po rito si Caloy. Role ko rito ay isang ukay-ukay vendor na galing sa probinsya na nakipagsapalaran sa Maynila. Very quiet ganoon, isa lang kaibigan, kasama sa Tiya niya,” paglalarawan niya. “Iyong buhay niya, iyong loob lang ng ukay-ukay,” pahabol niya.

Ang iba pang bida sa pelikula ay sina  Dylan Ray Talon, Soliman Cruz at Anthony Falcon. Ikinuwento rin niya kung paano nagkaroon ng koneksyon ang karakter niya sa tatlo. Iba’t-ibang klase ng love for that woman. 

“Kaya kami nagkonek-konek kasi lahat kami nasa Recto pero hindi kami magkakakilala. May hinahanap kaming girl. Ipinapakita sa movie iyong iba’t-ibang klase ng love for that woman. That’s how we are connected,” ani Nicco. “Iyong isa pang character sa pelikula ay iyong Recto, kung saan doon iyong naka-house kaming apat. I think big factor din sa pelikula na sa Legarda siya naka-set.

The place itself is masyadong character na . Marami nang kuwento. These are the stories of people na alam mong hindi napapansin pero alam mong nandiyan. It’s also their time para sabaihin naman kung ano iyong nasa isap nila , o kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila.

Tungkol naman sa isyu ng pagkukumpara sa kanya kay Jerald Napoles na pareho niyang galing sa teatro, nilinaw niya na wala silang kumpetisyon.

“Sa akin, kilala ko na kasi si Jerald for a long time. Kaibigan ko siya. Matagal na dahil pareho kaming taga-teatro. I know eventually, ipalalabas iyong pelikula niya na lead siya. Alam ko na unang makikita si Jerald na komedyante kasi he’s very funny, he has the charm. I also know that he can do a lot of things bukod sa pagpapatawa. Sabi ko nga sa kanya, iyong unang film niyang ginawa kung saan pedicab driver, I was really excited. Doon kasi niya masho-showcase ang puwede pa niyang gawin na hindi pa nakikita ng mga tao.

Si Jerald ay nasa Cine Filipino entry na “Mata Tapang” ni Rod Marmol.

Happy din si Nicco na supportive ang father niyang si Jose Manalo sa kanyang showbiz career.

Si Nicco ay nanalo ng best supporting actor award sa 2014 Cinemalaya filmfest para sa pelikulang “Janitor”.

Nakapagbida na rin siya sa mga pelikulang “Ang Kuwento Nating Dalawa” at “Mga Rebeldeng Walang Kaso”.

Ang “ Gusto Kita with All My Hypothalamus” ay iprinudyus ng winning team nina Bianca Balbuena at Giancarlo Abrahan at isinulat at idinirehe ni Dwein Salazar. (“Mamay Umeng).




No comments:

Post a Comment