Monday 30 April 2018

Jaime Fabregas, title roler in Delia and Sammy



By Archie Liao

Veteran actor Jaime Fabregas says co-actor Gil has not lost her brilliance. 


Masaya ang beterano at award-winning actor at musical scorer na si Jaime Fabregas na reunited siya sa kanyang screen partner na si Rosemarie Gil sa pelikulang “Delia and Sammy” ni Therese Cayaba. Madalas kasi silang magkasama noon sa mga pelikula kung saan mag-asawang don at donya ang kanilang mga roles. 

“Actually, masaya ako na nakabalik siya sa acting. More than 12 or almost 14 years siyang nawala because tumira siya sa Amerika,” kuwento niya. Hindi naman niya ikinaila na medyo nanibago ang beteranang aktres sa kanyang pagbabalik-pelikula. “Iyon nga ang kinatatakutan niya, na baka hindi niya magawa nang tama dahil matagal siyang nawala. Sinabi ko nga kay Cherie (Gil), sabihin mo sa Mom mo ‘parang pagsakay lang sa bisikleta iyan, babalik at babalik din iyan”, hirit niya. Sa “Delia and Sammy”, he shares stellar honors with Rosemarie Gil as one of the title rolers. “Hindi ko naman masasabing bida ako rito. It’s really more or less, si Rosemarie ang bida rito. Kami ni Nico (Antonio) is more of support,” aniya. “I look at acting naman na isang ensemble , lahat may parte sa collaboration, gawin mo na lang nang tama ang parte mo,” dugtong niya. Para sa kanya, walang kupas pa rin ang galing ng Eigenmann grand matriarch. 

“Lahat naman ng Gil family, lahat sila, they’re very intense actors. Minsan, iyon nga ang maganda, iyong nagdi-discuss kayo ng roles kung paano ninyo aatakihin o bibigyan ng atake iyong mga roles ninyo na napaka-positive para sa akin,” deklara niya. Malaking factor din daw na ang karakter ni Delia na kanyang kapareha ay isang dating artista kaya nakaka-relate ito sa kanyang role. “Talagang dati siyang artista rito. Naka-tight in siya sa mga kontrabida. Tapos, she’s an aging actress na mamamatay na. Tapos, may asawa siya: si Sammy na may Alzheimer’s. 

Ang dilemma niya ay kung ano ang mangyayari kay Sammy o kanino niya iiwan kung mawala na siya. It’s really a love story at the end of the day. Hindi mo puwedeng sabihing black and white ang buhay, o good and bad lang,” esplika niya. Tungkol naman sa kanyang role bilang Sammy, sobrang nakaka-relate rin daw siya. “For one, iyong aging. Hopefully, hindi ako magkaroon ng Alzheimer’s. Sa mga research ko kasi, hindi siya graceful exit. People would rather have cancer than Alzheimer’s disease. 

So, harinawang huwag mangyari sa akin,” paliwanag niya. Tungkol naman sa “FPJ’s Ang Probinsyano”kung saan kasama siya sa cast bilang General Delfin Borja, happy siya dahil patuloy itong pumapalo sa ratings at maituturing nang isa na sa longest running action-drama anthologies sa kasaysayan ng telebisyon. Bilang isang veteran actor, ibinalita rin niyang inoobserba na rin niya ang cut-off pagdating sa kanyang pagtratrabaho sa telebisyon.Gayunpaman, naiintindihan naman daw niya ang kalakaran sa industriya.

 “Ganoon naman talaga ang realidad sa TV minsan kailangang tapusin kasi eere na siya kinabukasan, so talagang sakripisyo rin,” ani Jaime. Kilala rin si Jaime bilang isang magaling na musical scorer pero gusto rin niyang makapag-direk ng kanyang passion project. “Kung magkakaroon ako ng pagkakataon, why not?” bulalas niya. 

“Nakapagdirek na ako, hindi for film but for TV. Tapos, naging musical director ako. May pinagmuni-munian akong kuwento. Medyo mahirap mag-develop ng kuwento although, pinag-aaralan ko siya ngayon,” pagwawakas niya. Kasama sa cast ng “Delia and Sammy” sina Nico Antonio, Dido de la Paz, Lui Manansala, Evan Tan, at Anthony Falcon. Palabas na ito sa mga piling SM cinemas mula Mayo 9 hanggang 15.



No comments:

Post a Comment