Sunday, 3 February 2013

Movie Review: Menor De Edad

Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa isang menor de edad na batang babae na produkto ng isang pamilyang sumasalamin sa isang ordinaryong Pilipino. Ang nanay ni Meg Imperial ay may kinakasamang tomboy, ang kanyang ina ay nagkulang sa kanya sa pag gabay sa tuwid na landas na naging dahilan upang maging sandigan nito ang mga kafraternity niya na mga kabataang babae at ang kanyan guro na si Wendell Ramos na sa kaluunan ay idiniin niya sa kasong panggagahasa. Ang katanungan ngayon ay kung nagsasabi ba ng totoo si Meg o isa lang siyang biktima na may tinatagong lihim sa tunay na pangyayari.

Ang peikulang ito ay sumasalamin sa buhay ng karamihan ng mga kabataan ngayon lalo na sa mga kabataang hindi nabiyayaan ng karangyaan sa buhay. Kapatiran, Hindi pangkaraniwang na magulang, Isang anak na nangungulila sa pagmamahal ng isang ama, kapusukan at trial by publicity, ito ang ilan sa mga element na ipinakita ng pelikulang ito. Maramin elements at side of story na pinakita sa pelikulang ito. At hindi lang umiikot sa iisang character ang buong pelikula , bawat character ay may kanya kanyang moment.

Nagustuhan ko ang pagiging totoo ng pelikula dahil ipinakita nito ang totoong pinagdadaanang problema ng isang kabataang walang gabay ng magulang.  Naramdaman ko anng gustong iparating na mensahe ng pelikula. Production design is good naramdaman ko ang ibang anyo ng kamaynilaan. Editng is very commendable, mahusay ang pagkakagawa, malini at mabilis. I also like th director’s treatment na nagging maangas yung dating ng movie na bumagay sa story.  Acting wise for Meg Imperial she is good as a new comer then muli ipinakita ni Ms. Ara Mina ang husay niya sa pag arte as well as Wendell Ramos. The rest of the supporting casts ay. mahusay din like Chynna Ortaleza na may sariling moment na ipinakita ang kahusayan sa pag arte and si Jaycee Parker na may ibubuga din pala sa pag arte.

For the sexy scenes, medyo tame yung mga eksena with Meg Imperial but may isang eksena dito na love scene ni Wendell Ramos with other girl na medyo intense. May mga butt exposure din sina Wendell Ramos and Mico Aytona rito. All in all maganda ang peliuka, realistic siya at may social relevant ang story  na talagang makaka relate ang ilang sa mga tao sa pelikuang ito. Sad to say lang na medyo hindi natingkilik ang pelikulang ito dahil on its 2nd week of its screening ay isang sinehan na lamang ang natira for this movie sa SM North EDSA at matindi pa nito on a 3:30 PM screening on a Saturday e tatlo lamang po kami na nasa loob ng sinehan. Nevertheless this is a good movie to watch to.

My Verdict: 3/5

No comments:

Post a Comment