Heart, international fashion royalty, pinangalanang ‘Fashion Icon of the Year’ ng Harper’s Bazaar Thailand
Muling pinatunayan ni Heart Evangelista ang kanyang fashion prowess, karisma, at pagiging isa sa mga kinikilalang personalidad sa international fashion scene matapos hirangin bilang “Fashion Icon of the Year” ng Harper’s Bazaar Thailand.
Tinanggap ng Filipino global style icon ang award noong November 18 sa Bangkok, sa ginanap na Harper’s Bazaar Women of the Year 2026, isang event na nagbibigay-pugay sa mga kababaihang may natatanging ambag at achievement sa kani-kanilang larangan.
Hindi na bago kay Heart ang pagkilala sa kanyang fashion influence, dahil patuloy siyang nagiging bahagi ng major fashion events sa iba't ibang panig ng mundo at nag-iiwan ng marka sa industriya sa pamamagitan ng kanyang personal style at fashion choices.
Sa kabila ng kanyang busy schedule, naglaan pa rin ng oras si Heart para personal na dumalo at tanggapin ang parangal sa Thailand.
“To be here, if you only knew, Harper’s Bazaar knows, we cross the ocean for moments like this. I am so grateful,” ani Heart sa kanyang acceptance speech.
“This is actually my very first award in Thailand. And for me, that’s unimaginable. I am just so grateful and in awe to be here with all of you,” lahad niya.
Nag-share din si Heart ng mensahe para sa mga batang babae at kababaihang nakararanas ng self-doubt, at hinikayat silang maniwala sa kanilang sarili at sa mga pangarap na gusto nilang maabot.
“Growing up, I actually was not the typical cool girl. I feel like I was a loner. I wanted myself to love me because I know I was worth it and I had dreams to chase. If by chance you can share that with the given platform, social media, that we have today and they can be infectious and inspirational then, why not?!” sabi niya.
“It is the niche, or it is the small groups of people that felt they didn’t belong. To feel this today, to be appreciated, Harper’s Bazaar, khop khun kha, thank you so so much. You know what I mean,” dagdag pa niya.
Isang parte ng kanyang speech ang isinama sa isang reel sa social media, na nagpakita rin ng hectic schedule ni Heart sa Thailand. Halos limang oras lang siyang namalagi sa Bangkok, kung saan pinagkasya niya ang photoshoots at ang pagpunta sa awarding bago muling bumiyahe pabalik sa Pilipinas para sa susunod niyang commitment.
“Welcome to Bangkok! ‘Yan tayo eh, tinanggap ko ‘to, ‘di ba? My God, we’re rushing, we’re only here for like freakin’ five hours. We landed in Bangkok because we just wanted to work. Harper’s Bazaar Thailand for Fashion Icon of the Year, gonna accept that, but before that, we have so much to do photoshoot. And at 5 o ‘clock, I’m gonna have to run by myself and go straight to my film with John (Prats). Time starts now,” sabi ni Heart sa video.
Sa bandang dulo ng reel, pabirong napasabi si Heart, “May narating ang kaartehan ko,” na tila swak na punchline sa kanyang whirlwind trip at sunod-sunod na ganap sa showbiz at fashion world.



No comments:
Post a Comment