Isang masayang pagbisita sa Maddox Jewelry ang nauwi sa hindi inaasahang discovery para kay Cherry Pie Picache nang ipasuri niya kay Charo Cordial ang isang jewelry set na matagal na niyang iniingatan.
Kuwento ng beteranang aktres, binili niya ang set noong nagsisimula na siyang kumita at gusto niyang magkaroon ng investment. Matagal niya itong inakalang natural diamond dahil iyon ang pagkakaalam niya nang bilhin niya ito.
Wala rin itong certificate, ngunit aminado si Cherry Pie na nagtiwala siya sa nagbenta sa kanya.
Habang hinihintay ang resulta, nag-enjoy muna ang aktres sa pagsukat ng iba't ibang natural diamond pieces ng Maddox Jewelry, kung saan ilang beses siyang napa-“Oh my God!” sa mga nagustuhan niya.
Mahilig din pala talaga sa alahas si Cherry Pie, bagay na nakuha niya sa kanyang ina. Para sa kanya, maganda itong investment dahil hindi lang nakatago ang pera mo na-e-enjoy mo rin habang isinusuot.
“You enjoy it, you wear it. And then if you need it, you can sell it,” paliwanag niya tungkol sa halaga ng pagkakaroon ng jewelry.
Pero nagbago ang timpla ng kuwentuhan nang lumabas ang resulta ng pagsusuri sa dala niyang set.
18-karat white gold ang setting nito, pero ang mga batong matagal niyang inakalang natural diamonds ay moissanite pala.
Nagulat si Cherry Pie dahil natural diamond ang pagkakaalam niyang binili niya noon.
“Sad ako,” pag-amin niya sa naging discovery.
Sinabi rin niyang susubukan niyang kontakin ang pinagbilhan niya ng alahas. May halaga pa rin naman ang gold setting, ngunit hindi katumbas ng natural diamonds ang halaga ng stones.
Mula sa alahas, napunta naman ang chikahan nina Cherry Pie at Charo sa kanyang mahabang showbiz career.
Binalikan ng aktres ang panahon noong baguhan pa siya at kailangan niyang patunayan na hindi sapat ang ganda para tumagal sa industriya.
“It’s not just beautiful. You also have to work hard,” ani Cherry Pie.
Para sa kanya, may malaking pagkakaiba rin ang pagiging celebrity at pagiging tunay na actor.
“I hope the craft is given importance,” aniya, kasabay ng pagbabalik-tanaw sa panahong kailangang handa ang artista sa set, alam ang script at pinag-aralan ang eksena.
Isa rin sa pinakamatapang niyang ibinahagi ang insidenteng gumamit umano ng body double para sa kanya sa isang pelikula nang hindi niya alam.
Nang madiskubre niya ito, agad niyang pinatigil ang eksena at nakipagtalo pa umano siya sa direktor.
“Who do you think you are? You don’t have a name here,” pag-alala niya sa sinabi umano sa kanya.
Pero kahit baguhan pa lamang siya noon, hindi nagpatinag si Cherry Pie.
“I may not have a name here, but this is not my bread and butter,” sagot umano niya, sabay paninindigang kaya niyang umalis kung kinakailangan dahil pakiramdam niya ay niloko siya.
Napag-usapan din ang dati niyang relasyon kay Edu Manzano.
Masaya raw si Cherry Pie na mayroon nang bagong girlfriend si Edu at nananatili silang magkaibigan. Nang tanungin naman kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, simple ang sagot niya: “Mutual decision.”
“When you’re mature enough, at the end of the day, you do things because you want to be happy,” dagdag niya.
Mula sa alahas na matagal niyang inakalang natural diamond hanggang sa mga pagsubok na pinagdaanan niya sa showbiz at personal na buhay, walang pag-aatubiling nagbahagi si Cherry Pie sa kuwentuhan nila ni Charo Cordial.
At kung may isang bagay na lumutang sa kanyang mga kuwento, ito ay ang halaga ng pagiging mapanuri at marunong manindigan sa alahas man, career o pag-ibig.
Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.

No comments:
Post a Comment