By Archie Liao
Pagkatapos manalo ng kanyang kauna-unahang international acting award as best actor sa prestihiyosong 19th Asian Film Festival sa Rome para sa pelikulang “Resbak”, kung saan ginawaran naman ng Lifetime Achievement award ang kanyang mentor na si Brillante Mendoza, idinenay ni Vince Rillon na magiging mapili na siya sa pagtanggap ng acting roles.
“Kahit nanalo po ako, hindi naman po ako magiging mapili sa pagtanggap ng roles. Para po kasi sa akin, ang bawat role, maliit man o malaki, is an opportunity para sa akin na mahasa pa, mag-improve pa sa aking craft at maipakita ang versatility ko po,”ani Vince.
Ayon pa sa bida ng “Kaliwaan,” hanggang ngayon daw ay nasa ‘cloud nine’ pa siya dahil sa kanyang pagwawagi sa naturang filmfest.
Bida pa niya, noon daw i-anunsyo ang pangalan niya bilang winner, hindi raw agad nag-sink in sa kanya na nanalo siya ng much coveted award.
Hirit pa niya, nae-enjoy daw naman niya ang pagpapa-sexy lalo't ang iba’t -ibang challenge naman ang hatid sa kanya ng bawat role.
Dagdag pa niya, wala raw namang dapat mabago sa kanyang attitude bilang actor sa pagkakaroon niya ng award.
Patuloy pa rin daw siya sa paggawa ng mga pelikulang sa palagay niya ay hahamon sa kanyang kakayahan bilang actor dahil gusto niyang manatiling “grounded.”
Si Vince ay mapapanood sa sexy thriller na Kaliwaan na idinirehe ni Daniel Palacio at ikinu-produce ng Cannes best director Brillante Mendoza.
Ginagampanan niya ang role ni Boogie, isang security guard na may karelasyong ambisyosang spa girl na si Monica na binibigyang buhay ng pantasya ng bayan na si AJ Raval.
Sa kabila nito, magagawa pang makipagsiping ng kanyang girlfriend kay Raji, isang bigating businessman (Juami Gutierrez).
Sa galit ni Boogie ay reresbakan niya si Raji na siya namang mako-comatose.
Ikakanta ni Monica sa mga pulis ang krimen na ginawa ni Boogie.
Samantala, hihingi ng proteksyon si Boogie sa tiyuhin niyang pulis na si Marlon na ginagampanan ni Mark Anthony Fernandez.
Ngunit habang sinusubukan ni Boogie na makipag-ayos kay Monica, hindi niya alam na may panganib na nag-aabang sa kanya, dahil maghihiganti sa kanya ang pamilya ni Raji.
Kilala si Brillante Mendoza sa paggawa ng madilim ngunit makatotohanang pelikula na nagkaroon rin ng malaking impact sa ibang bansa, tulad ng “Tirador”, “Serbis” (2008), “Kinatay” (2009), at “Captive” (2012).
Sa “Kaliwaan”, ipamamalas muli ng filmmaker ang kanyang expertise sa ganitong klaseng kwento sa tulong ng young director na si Daniel Palacio.
Ang “Kaliwaan” ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Abril 29.
No comments:
Post a Comment