Wednesday 27 April 2022

Direk Roman Perez wants to embrace “cult director” title

 

By Archie Liao

Isa sa pinakaabalang director ng kanyang henerasyon ang prolific filmmaker na si Roman Perez, Jr. Pagkatapos makilala sa mga pelikulang “Sol Searching” na naging kalahok sa 2018 ToFarm Film Festival, nalinya siya sa mga pelikulang may temang sex at violence. 

Katunayan, nagkaroon siya ng cult following nang gawin niya ang kontrobersyal na LGBTQA+ film na “Adan” na pinagbidahan nina Cindy Miranda at Rhen Escano. Pinag-usapan din ang sunod-sunod na mga pelikula at seryeng ginawa niya para sa Vivamax tulad ng “Taya”, “The Housemaid”, “Hugas”, “Siklo”, “House Tour”, “Iskandalo” at “L.” 

Sa pinakabago niyang pelikulang “Putahe,” kakaibang genre naman ang kanyang ihahain na pumapaksa sa pagluluto, pagkain at ang kaugnayan ng mga ito sa pag-ibig at pakikipagtalik. Ito raw ay naisip niya bilang ikalawang aklat sa kanyang kontrobersyal na obrang “Adan.” Pero ayon kay Direk Roman, ang Putahe ay masasabing tribute niya sa mga pelikulang ginawa ng binansagang Messiah of Philippine movies na si Celso Ad Castillo. 

Naging assistant director daw kasi siya ng veteran director sa isang experimental film. Nagpapasalamat din siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ito at matuto sa isang maestro. Dagdag pa niya, bet daw niyang gawin ang remake ng kontrobersyal na pelikula nitong “Virgin People.” Dahil nga raw sa impluwensya ng namayapang director, may texture daw ng Virgin People at Sin Island ang kanyang latest directorial job. 

Sa ngayon, binabansagang cult director si Direk Roman dahil sa following ng kanyang mga pelikulang nagmamarka sa mga manonood. “Niyakap ko na lang siya, hindi ko alam kung bakit. Cult director, siyempre sa branding. “Sabi ko, 'Cult director? Ano ba yun?' “Sabi nila, 'May following ka,'” aniya. Aniya, kung ito raw ang idinidikta ng mga manonood, magiliw daw naman niyang niyayakap ang branding na ito sa kanya. “Okay, sige, niyakap ko siya nang buong-buo.Ang sabi kasi ng ibang film reviewers, saka film critics na nakausap ko, yung mga pelikula ko, e, nagkakaroon ng fandom.Meaning, yung Adan [2019], cult film siya. 

Yung mga nakapanood ng Adan, kung lalake ka, kung hindi mo ito napanood, ay hindi ka lalake. May ganoon siyang fandom… underground. Yung Taya, meron siyang fandom. Hanggang ngayon meron siyang fandom.So, dun na siya na-relate, ang mga ginagawa kong pelikula, nagiging cult film, so ngayon cult director ako,"paliwanag niya. “Hindi ko alam, baka branding ito, pero niyakap ko na siya. “Natutuwa rin ako dahil na-tap ko yung masa.

 Nayakap natin yung mga gusto ng masa,”dugtong niya. Ang “Putahe” ay tungkol sa isang kuwento ni Jenny (Ayanna Misola) isang probinsyana na nabighani sa isang bagong saltang dayuhan sa kanilang isla na binibigyang-buhay ni Euka. (Janelle Tee) Sa kanilang engkuwentro, maraming matututunan si Jenny kay Euka hindi lang sa pagluluto kundi sa kanyang pagkababae. Mapapanood na sa Vivamax simula sa Mayo 13, tampok din sa cast sina Mon Confiado, Ronnie Lazaro, Hershey de Leon, Massimo Scofield, Nathan Cajucom, at Chad Solano.

No comments:

Post a Comment