Saturday 9 April 2022

Cindy on her first action role: It's on my bucket list

 

By Archie Liao

Pagkatapos magpakitang-gilas sa mga pelikulang Adan, Nerissa at Reroute, kakaibang Cindy Miranda naman ang mapapanood sa 10-part series na Iskandalo.


"First time ko to do an action thriller.It's actually on my bucket list," ani Cindy."What I enjoy about acting is I am able to flesh out different characters so ibang challenge naman ito sa akin," dugtong niya.
Hirit pa niya, gusto raw talaga niyang gumawa at magbida sa isang hard-core action movie na ala John Wick.


"Bibihira kasi ang nag-aaksyon sa mga babae sa atin, so it gives me a different high portraying empowered women,"paliwanag niya.
Tungkol naman sa tema ng sex scandals sa serye, ayon kay Cindy, kahit naghubad na raw siya sa pelikula ay sinisigurado niyang wala siyang itinatagong iskandalosong videos.


Hirit pa niya, wala rin daw siyang nakikitang masama kung i-video ng couple ang kanilang pakikipagniig kung trip nila ito as long na for private consumption ito at hindi ikakalat.


Feeling din niya, may kapabayaan ang isang babae kapag may kumalat siyang video scandal.
Sa Iskandalo, ginagampanan ni Cindy ang  role ni Patricia, isang detective na layuning linisin ang pangalan ng kanyang ama sa krimeng kinasangkutan nito.


Mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr.,kasama rin sa cast ang mga pantasya ng mga barako na sina AJ Raval, Ayana Misola, Angela Morena at Jamilla Obispo.


Kabituin din sa all-star cast na ito sina Jay Manalo, Arnold Reyes,Sean de Guzman, Joonee Gamboa at marami pang iba.
 

Ang 10-part series na Iskandalo ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Abril 10.

No comments:

Post a Comment