Friday 20 September 2013

Movie Review: Shorts 2 - CineFilipino Film Festival 2013






Ang isang bata ay nagpupumiglas kumawala sa paniniwalang ang lahat ng takot at pangamba niya ay maaring hindi pawang kathang isip lamang

Technically excellent ang pagkakagawa ng short film from DOP, to Sound,Musical Scoring, Editing,Prod Design and Special Effects. Of all the short entries ito yung pinaka malinis and well executed in terms of technicalities.


My Verdict: 4.5/5




Isang gabi ibinahagi ni Rita sa kanyang dalawang anak kuwento ng isang mandirigma ng Pangasinan na si Princess Urduja at ang kanyang paghahanap sa nawawala niyang kapatid na si Haring Mahabala. Sa kalagitnaan ng kuwento dumating ang isang hindi inaasahang bisita na may dala-dalang sulat na babago sa buhayni Rita at sa takbo kuwento.

 A double layer story about a soldier of present time and warrior of old times. The only difference is the output after they  win the battle. Sinasabi ng pelikulang ito na kung dati ang nagliligtas sa sariling lupa laban sa dayuhan at nananatili sa lupang tinitirahan ngayun ang sundalong lumalaban para sa bayan ay parang binabaliwala na lamang. Maganda ang kwento at mensahe ng short film na ito.


My Verdict: 3/5




Isang maikling pelikula tungkol sa baguhang pag-ibig sa bisperas ng taon.

The short film is just around 10 minutes yet the impact that it leaves to the audience is great. The message of the story was easily convey to us. I also like the treatment of the film and the camera technology that they use in filming that suits the mood and emotion of the film.


My Verdict: 4/5





Ang pagninilay nilay ng isang estudayante ukol sa mga sariling problema sa iilang isyu ng bayan at sa hindi na naman pagpasok sa klase sa pamamagitan ng kanyang  ikalawang video log.

An alternative way of telling a story. The film voice out the take of a youth into current events that surrounds him.


My Verdict: 2.5/5





Isang ipis ang magpapasyang oras na para lumaban ang kanilang angkan at wakasan ang panunupil ng mga tao. Gamit ang kanilang angking kakayahan at ang nabuong pagtingin sa kanila ng mga tao , Magiisip siya ng mga paraan upang tapusin ang kalaban at mapasa ipis ang mundo. Ngunit madalas hindi talaga sapat ang pangarap.


Astig ang short film na ito.  Astig ang story. Astig yung boses nung ipis. Astig yung 3D animations and other technique na ginamit sa pelikulang ito. Astig yung character na ipis. I am truly entertained and enjoyed watching this short film. Galing nung gumawa at nung nakaisip ng concept at yung treatment na gagawin sa film.


My Verdict: 4/5




No comments:

Post a Comment