Two moms are drawn into direct conflict when their children announce
their intentions to get married. The mothers have to put aside their
differences, however, when they are both marooned on a distant island.
Isang masayang
pelikula na magandang panoorin ngayong tag-ulan. Muli at the nth time ay nakuwa
ni Wenn Deramas ang pulso ng MASA sa pagpapatawa sa kung ano ang magpapasaya at
magugustuhan ng majority ng manood ng pelikulang Pilipino. So kung havey na
havey sa inyo ang comedy style ni Wenn Deramas, paniguradong magugustuhan niyo
ito. Bonus na lang siguro na ngayun lang nagsama sa pelikula sina Ms. Maricel
Soriano at Eugene Domino na may taglay na galing sa pagpapatawa at pawang mga
respetado at mahuhusay na aktres ng pinilakang tabing.
Talaga namang nakakatawa
si Uge sa pelikulang ito, her usual antics of comedy, her TV Patrol acting, and
her cartoonish character with British accent ang mapapanood niyo dito. Kung
namiss niyo naman si Maria sa comedy, panoorin niyo iyo dahil wala pa rin
siyang kupas sa pagpapatawa. Nagsilbing mga palamuti ang mga supporting casts
sa pelikula at talagang binigyan ng moment sina Uge at Maria. Infairness sa
pelikula if there is something that I can commend is yung special effects na
ginamit doon sa Monkey, Sawa and Leon Scene na napakalinis lumabas ang effects.
I also noticed sa pelikula na ang liwa liwanag na mapapansin mo na kahit ang
napakaliit na bagay sa loob ng frame ultimo yung lasagna na hinain at ibang
pagkain sa lamesa mapapansin mo sa tulong na rin ng DCP technology. Na
appreciate ko ang bonggang production design na ginamit sa loob ng mga bahay
dahil colorful talaga at ang sarap sa mata lalo na DCP na ngayun sa mga sinehan.
Hindi na ako masyadong nag expect sa
pelikulang ito, but the movie is successful para patawanin ka at pasiyahin sa
loob ng 2 oras at medyo nahigitan ng pelikulang ito ang low expectation ko. For
sure another, 100M box office result for Star Cinema and Viva, good thing na nag
coprod ang Star Cinema sa Viva dahil pang Star Cinema ang brand ng comedy ng
pelikulang ito.
My Verdict: 3/5
No comments:
Post a Comment