The story of a healer named Mabuti who, despite her poverty, still looks
at life positively. Everything changes, however, when she finds a bag
containing a huge stash of money.
Kwento ni Mabuti na hindi sinasadyang makakita ng isang
bungkos na pera na maaring lumutas sa kahirapan ng kanyang pamilya. Ito ba ay
isang madaling solusyon o di kaya’s magdudulot pa ng maraming suliranin.
Nagustuhan ko ang pagiging raw and authentic ng pelikula.
Dinala ako ng director sa Nueva Vizcaya at ipinakita ang buhay ng mga tao na
naninirahan doon. Tumawid sa akin ang lugar at amoy na amoy ko ang kapaligiran
na ginagalawan nila. Ipinakita ng pelikulang ito ang payak na pamumuhay at pang
araw araw na suliranin ng isang pamilya sa probinsya.
Si Ms. Nora Aunor ay nagpakita ng totoo at natural na pag –
arte sa kanyang tauhan na ginampanan. Nagawa niyang iblend ang sarili niya bilang si Mabuti.
Bumagay ang kanyang pagganap bilang isa sa mga Ilokano na naninirahan sa Nueva
Vizcaya na animo’y parte talaga siya ng komunidad na iyon. Si Mabuti ang nakita
ko sa pelikulang ito at hindi si Ms. Nora Aunor. Napakahusay din ng pagganap ni
Mara Lopez, na muli na namang nagpamalas ng lalim sa kanyang pag-arte. Gusto ko
rin purihin ang gumanap na nanay ni Nora sa pelikula na napakanatural ng pag
arte at nagbigay ng kulay sa pelikulang ito.
May pagka subtle and silent treatment ang ginawa sa
pelikulang ito na nakatulong upang mas maging natural at tumawid sa manonood
ang buhay ni Mabuti. Bumagay ang
production desing at cinematography sa mood ng pelikula. Hindi naging pretentious
ang pelikulang ito at naging totoo sa pagpapakita ng buhay sa probinsya. Pagkatapos mong panoorin
ang pelikulang ito ay iisipin mo na maari rin tayong mamuhay ng payak sa isang
malayong komunidad sa probinsya.
No comments:
Post a Comment