Certified maganda, sexy at mahusay na aktres — pero may tinatagong sakit sa puso!
Yes, ang veteran actress na si Carmi Martin ay isa palang certified follower at fan ng Maddox Jewelry ng tinaguriang Queen of Diamonds na si Ms. Charo Cordial!
At hindi lang basta alahas ang napapala ng mga celebrity clients ni Ms. Charo, kundi pati ang kanilang mga sikreto sa buhay pag-ibig ay unti-unting nabubunyag!
Sa isang nakakagulat at very revealing na chikahan, walang kiyeme na inamin ni Carmi na hanggang ngayon ay single pa rin siya dahil sa trauma sa kanyang past relationships.
“Oo, na-traumatize ako… feeling ko masyado akong nag-give. Sobra kasi akong magmahal… pero parang hindi naibalik sa akin,” sey niya.
At mas lalong naging intriguing ang rebelasyon niya nang sabihin:
“Tapos nung ayaw ko na, doon ako hinahabol. I really don’t know if the Lord will allow me to get married.”
Shocking din ang naging confession ng actress na umabot pa raw siya sa puntong nawalan na siya ng pagnanais mabuhay dahil sa isang pitong taong relasyon!
“Ayokong magpakamatay… pero I don’t want to live anymore if I’m going to be with that man.”
Pero sa kabila ng kanyang pinagdaanan, isang malaking turning point ang kanyang faith journey.
Ayon kay Carmi, nang maging Christian siya, doon niya naranasan ang tunay na kalayaan at kapayapaan.
At kahit aminadong may mga nagpaparamdam pa rin sa kanya ngayon, ipinagdasal na raw niya na kung hindi ito para sa kanya, ay alisin na ang desire sa kanyang puso.
“Immediately, nawala… and I became happy, joyful at light yung buhay ko.”
Samantala, hindi rin napigilan ni Carmi ang maaliw habang suot ang mga naggagandahang alahas ng Maddox!
“Feeling ko ang yaman ko! Ang bigat ng kamay ko… ang sarap magsalita, feeling ko ang yaman-yaman ko! Nagiging Jeanette ‘Voyag’ talaga!”
Bukod sa kanyang kwelang banat, certified jewelry lover din si Carmi — at take note, halos umabot na sa ₱1 million ang kanyang napamili sa Maddox showroom!
Kaya naman kung gusto n’yong malaman ang buong kwento ng kanyang love life, career, at personal journey — panoorin ang full interview sa Facebook: D Maddox Jewelry at YouTube: Maddox_Jewelry!
Sa Maddox Jewelry, hindi lang diamonds ang kumikinang — pati mga kwento ng puso, umaapaw sa katotohanan
Friday, 24 April 2026
Love Life Revealed! Carmi Martin Napaamin Kay Charo Cordial; “na-trauma Ako sa Pag-ibig!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment