Sunday, 14 June 2026

Regalong alahas ni Ser Geybin pinagdudahan ni Ma'am Elma, fake nga ba? Alamin sa Maddox Jewelry!

 

Nagbigay ng nakakatuwang rebelasyon si content creator na si Mam Elma sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry nang aminin niyang minsan ay napagdudahan niya ang ilan sa mga alahas na iniregalo sa kanya ni Sir Geybin.

Sa vlog interview kasama si Ms. Charo Cordial, Founder at President ng Maddox Jewelry, dinala ni Mam Elma ang ilan sa mga jewelry pieces na natanggap niya mula sa kanyang longtime partner upang ipa-check ang tunay na halaga at kalidad ng mga ito.

Diretsahang tinanong siya ni Ms. Charo kung nagkaroon ba siya ng pagdududa sa mga regalong natanggap niya.

“Opo, kasi siya rin, hindi niya masagot,” natatawang sagot ni Mam Elma.

Dagdag pa niya, sinasabi naman daw ni Sir Geybin na legit ang mga ito ngunit nais pa rin niyang makasigurado.

Ayon kay Mam Elma, mahilig umano si Sir Geybin na bumili ng alahas kaya minsan ay hindi na rin nito matandaan ang lahat ng detalye ng kanyang mga nabibili.

Bukod sa pagpapa-appraise ng mga alahas, bumili rin si Mam Elma ng Mother's Day gifts para sa kanyang ina at sa ina ni Sir Geybin na si Mommy Bet.

Naging pagkakataon din ang kanilang kuwentuhan upang balikan ang kanilang pitong taong relasyon at ang kanilang pag-unlad bilang mga content creators.

Sa kabila ng biro at tawanan tungkol sa mga alahas, makikita rin ang tiwala at pagiging praktikal ni Mam Elma pagdating sa mga regalong natatanggap niya.

No comments:

Post a Comment