Wednesday, 6 August 2025

CineGoma 6: Mas Malaki, Mas Makabuluhan

 

By Ronald Rafer

MAS pinalaki ang ika-6 na taon ng CineGoma Film Festival na itatampok ang  makabuluhang short films tungkol sa manggagawang Filipino.

Nagsimula ang CineGoma Filmfest bilang isang passion project mula sa kanilang misyon ayon kay CEO at founder ng RK Rubber Enterprises Co., na si Xavier Cortez.


“Kung gusto lang talaga namin ng pera, nag-focus na lang po kami sa goma. CineGoma po, talagang ginagawa namin ‘yan for the love of the art,” sambit ani Cortez sa paglulunsad ng 6th CineGoma Film Festival kamakailan na isinagawa sa Sine Pop, Quezon City.

Sinabi pa ng tumatayo ring Festival Director na gusto nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga  aspiring filmmaker at storyteller na maibahagi sa publiko ang kanilang talento

“While also reflecting the everyday lives of the very people in RK Rubber’s workforce.

“May Kwento ang Bawat Laban.

“I want our entries to be inspiring. I want it to discuss ongoing societal ills, and how we could rise above it,” tuloy-tuloy na wika ni Cortez.

Sa kuwentong ilalahad iginiit ni Cortez na bawal ang temang pagkuwestiyon o pagkontra sa gobyerno at relihiyon.


 “We want to be neutral here. We want to open discussions, not create conflict,” aniya.

At sa kauna-unahang pagkakataon, sila ang unang susubok sa kategoryang gagamit ng Artificial Intelligence o ang mga AI-assisted films.


“Kasi po, mangyayari at mangyayari na siya. Talagang darating na po tayo sa point na ‘yun. Darating na po tayo sa point na talagang baka pagdating ng panahon, puro AI po,” katwiran ni Cortez.


Ikinompara pa ni Cortez ang evolution ng filmmaking noon at ngayon. “Kahit po ‘yung dati, ‘di ba, nagsimula ‘yung cinema sa film hanggang sa naging digital. Tapos, ‘yung mga phone dati, hindi makakuha ng magagandang mga video. Pero ngayon, okay na rin. Lumalaban na rin po ‘yung mga phone. 

“So, talagang hindi na po siya maiiwasan. Darating at darating talaga ‘yung time na nandyan na po talaga ‘yung AI.

“Siguro po, at least po, kami sa Cinegoma ang naunang nag-open ng AI category,” proud na tinuran ni Cortez.

 
Pero nilinaw ng Co-Festival Director at creative consultant ng CineGoma na si Direk Raymond Red na gagamitin ang AI para makakuha lamang ng idea pero kailangan pa ring maging creative.

“AI is a tool. It should not be the end all and be all of your existence as a filmmaker. You could use it to gain ideas, but we should still be creative enough as individuals to go beyond the thing,” ani Direk Raymond.

Hindi naman sila nangangamba sa paggamit ng AI. Dahil anang award winning director, naniniwala pa rin siya na magiging mas karaniwan ang content na binuo ng AI at maghahanap pa rin ang mga audience ng tunay na pelikula.

“Darating tayo sa point na kahit gaano kaganda ‘yung AI, alam natin na AI ‘yung pinapanood natin at hahanapin din natin ulit ‘yung authenticity, ‘yung soul,” paliwanag ni Red. 

Aminado naman si Red na natatakot din siya bilang filmmake sa pag-take over ng AI. “Ako, like any filmmaker, it’s scary. ‘Yan ang discussion diyan.

“Iniingatan natin ‘yan. I think ang important is to consider it a tool. So, sa ganyang category, you cannot really judge ‘yung mga submission for cinematography or acting. Unfair ‘yun eh. Ang i-judge mo rin is concept, which is the prompting. And then, may skill din naman ‘yun sa pag-prompt in a sense. But it’s really the concept. 

“So, ‘yun lang ang, I think, ang ipu-push natin at ire-recognize natin. And that sends a message na nga na, ultimately, ‘yun ang importante eh, ‘yung konsepto pa rin eh.

“Kapag nag-takeover ‘yan, mawawala ang certain jobs. But I think ang far future niya, ultimately, people will start going against it again.”

Naengganyo si direk Red sa mga inilatag na initiative ng CineGoma dahil na rin sa  sariling pakikibaka sa unang bahagi ng kanyang career.

“I like the idea. For the industry to prosper, we need platforms like this. The initiative makes me feel hopeful about the future of local cinema,” saad ng direktor.

Ibinahagi naman ni Cortez ang dahilan ng pagkabuo niya ng CineGoma Film Festival. Pangarap niya noon pa man ang maging filmmaker bukod pa sa talagang  art lover na siya.

“Marami pong kuwento sa paggawa ng goma, parang sa paggawa ng pelikula. Kasi po, ang mga goma na ginagawa namin, hindi naman siya pansinin. 

“Ang goma, kumbaga ‘yung mga piyesa, parts ‘yan na hindi pinapansin ‘yan, pero sa likod po ng bawat pyesa ay mayroon pong kwento ng isang manggagawa na nangarap, lumaban ng patas, at higit sa lahat ay nag-struggle pero sinusubukan pa rin.

“‘Yung CineGoma po, talagang ginagawa namin ‘yan for the love of the art. And then para rin po ‘yung kwento ng mga manggagawa ng RK Rubber, naibabahagi rin namin sa ibang mga tao. Gusto naming i-share ‘yung culture namin sa ibang tao,” sabi pa.

Ang deadline para sa submission ng  entry ay sa August 5, 2025. I-follow lang ang official social media account ng CineGoma at RK Rubber Enterprises Co.. 

No comments:

Post a Comment