Saturday 15 July 2023

Quinn Carrillo, excited for her nomination as New Movie Actress of the Year in the 38th Star Awards for Movies

 

By Archie Liao

Masaya at excited si Quinn Carrillo sa kanyang nominasyon bilang New Movie Actress of the Year para sa pelikulang "Silab" sa 38th PMPC Star Awards for Movies. Gaganapin ito bukas, July 16 sa Centennial Hall, Manila Hotel. Malayo na ang narating ni Quinn simula sa ‘Silab’ dahil nagbida na siya sa pelikulang ‘Biyak’.

Nasundan pa ito sa movie na ‘Litrato’ with Ai Ai delas Alas na palabas sa July 26.

“Thank you so much PMPC for nominating me.Sobrang laking honor na ma-nominate po. Manalo o matalo okey na po sa akin na mabigyan niyo ako ng recognition happy na po ako doon,” bulalas niya nang makatsikahan siya sa presscon ng ‘Litrato.’

Kung mananalo siya ihahandog niya ang kanyang tropeyo sa pamilya niya. Lagi raw silang nandiyan para suportahan ang gusto niyang gawin. Sila raw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career.


No comments:

Post a Comment