Tuesday, 17 January 2023

Acclaimed director Benedict Mique says KimJe is Team Real

 

By Archie Liao

Nakilala ang director na si Benedict Mique sa acclaimed Cinemalaya movie na “ML” tungkol sa horrors ng Martial Law. But prior to that, naging creative assistant din siya sa Star Cinema at TV screenwriter sa “Maalaala Mo Kaya,” “Magpakailanman,” “Momol Nights,” “Till I Met You,” “Marimar,” “Captain Barbell,” “On The Wings of Love,” at marami pang iba. Nakagawa na rin siya ng mga pelikulang may temang komedya, drama, romansa, aksyon at katatakutan tulad ng “Two Love You” at “Momol Nights” at mga seryeng “Cassandra: Warrior Angel”, “The Haunted,” “Fluid,” “Bawal Lumabas: The Series” At “How to Move on 30 Days.” 

 

Sa kasalukuyan, isa rin siya sa mga director ng “Darna: TV Series” sa Kapamilya network. Sa inilagi ni Benedict, nakapagtayo na rin siya ng kanyang sariling production outfit: ang Lonewolf Films na siyang nag-coproduce ng mga obrang “Momol Nights” at “ML”. Sa taong ito, nakipag-collaborate siya sa Viva Films para sa naughty comedy na “Girlfriend Na, Puwede Na” na pinagbibidahan ng reel and real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles. Ayon kay Direk Benedict, matagal na raw niyang inaalagaan ang iskrip ng balik-tambalan ng KimJe. “Actually, iyong concept marami nang pinagdaanan pero sabi ko sa Kimje, bagay ito sa inyo. Gawin natin ito para sa inyo. Nag-set kami ng meeting sa Viva, ipinitch namin, tapos nagustuhan naman nila,” aniya. 

 

Hirit pa niya, tailor-made raw ang roles ng magdyowa sa kanyang bagong movie. “Sila lang kasi iyong nakikita kong bagay sa roles. As real life couple, meron silang chemistry. At iyong timing nila lalo na sa comedy are commendable. They’re both good actors. They’re good performers,”sey niya. Bukod sa bumilib sa couple, nadagdagan din daw ang respeto niya sa dalawang actor. “They’re very natural tapos magaling silang mag-improvise ng linya kaya sa end credits makikita mo na credited sila for the additional dialogues na ginamit sa film. 

 


 

Actually, hindi ako nahirapang idirek sila. Nabawasan pa ang trabaho ko, so, it’s just a matter of putting them in the right situation,”hirit niya. Kumpara sa ibang love teams na nakasama at nakatrabaho na niya, sinabi rin niyang may bentahe ang tambalang KimJe sa pagiging Team Real nito. “Ang advantage nila ay may depth sila at saka ang lawak nila. Malawak sila at malalim from drama, comedy, sexy, kaya nilang gawin. Sila lang mga artistang nakikita kong kayang gawin ang ganoon,”esplika niya. “Iyong love team din nila is for real so parang hindi sila umaakto kasi what you see is iyong real o kung ano talaga sila sa tunay na buhay,” pahabol niya. Pagkatapos ng hit movies na “Jowable,” “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”at "Ako at Ikaw at ang Ending” nagbabalik ang Team Real nina Kim at Jerald sa pelikulang “Girlfriend Na, Pwede Na.” 

 

Kuwento ito ng isang babaeng nag-hire ng isang lalakeng nagpanggap na maging boyfriend niya para pasakitan ang kanyang ex. Palabas na sa Enero 18 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 18 kasama rin sa cast sina Gab Lagman, Tomas Rodriguez, Heart Ryan, Nicole Omillo, Andrea Babierra at Prince Stefan.


No comments:

Post a Comment