Ang Pwera Usog ay isang horror barkada movie na angkop sa mga kabataang millenial. Natutuwa ang direktor na si Jason Paul Laxamana dahil ang mga kinuhang artista ay sumakto sa kani-kanilang roles.
The Cast of Pwera-Usog: Albie Casiño, Cherise Castro, Joseph Marco, Sofia Andres, Devon Seron, Kiko Estrada with Director Jason Paul Laxamana |
Ang mga kabataang bibida sa pelikulang Pwera-Usog ay kinabibilangan nina Sofia Andres, Devon Seron, Cherise Castro, Albie Casiño, Joseph Marco at Kiko Estrada.
Nabighani ang marami ng mapanood si Sofia sa pelikulang "Relaks, It's Just Pag-ibig" na sinundan ng teleseryeng "Forervermore". Sa "Pwera-Usog", siya si Jane na isang millenial na may prank channel sa internet. Dahil sa galit sa ama at insecure sa kapatid, gumawa siya ng kalokohan sa internet na naging mitsa ng kanyang enkuwentro sa kababalaghan at kapahamakan.
Ang dating PBB Teen Housemates na si Devon Seron na huling napanood sa "Be My Lady" ay gaganap bilang Luna, isang taong grasa na lumaki sa kalye at ang kaibigan si Quintiin (Kiko Estrada) ang naging sandigan niya sa nanlalait sa pagkatato niya.
Ang Regal baby na si Cherise Castro naman na napanood sa ilang mga Regal movies at Ipaglaban Mo ay gaganap bilang Val, ang cameraman ni Jane (Sofia Andres). Sila ang magkakuntsaba sa paggawa ng prank videos na naging sanhi ng engkuwentro nila sa kababalaghan.
Isang fun-horror movie ang Pwera Usog na siguradong magugustuhan ng mga millenials na dahil sa makabagong teknolohiya ay binabale-wala na ang pamahiing bahagi ng kulturang Pinoy.
Matutunghayan na ang epekto ng "usog" at ang lahat ng elemento ng pananakot sa "Pwera-Usog" simula Marso 8.
Nabighani ang marami ng mapanood si Sofia sa pelikulang "Relaks, It's Just Pag-ibig" na sinundan ng teleseryeng "Forervermore". Sa "Pwera-Usog", siya si Jane na isang millenial na may prank channel sa internet. Dahil sa galit sa ama at insecure sa kapatid, gumawa siya ng kalokohan sa internet na naging mitsa ng kanyang enkuwentro sa kababalaghan at kapahamakan.
Ang Regal baby na si Cherise Castro naman na napanood sa ilang mga Regal movies at Ipaglaban Mo ay gaganap bilang Val, ang cameraman ni Jane (Sofia Andres). Sila ang magkakuntsaba sa paggawa ng prank videos na naging sanhi ng engkuwentro nila sa kababalaghan.
Isang fun-horror movie ang Pwera Usog na siguradong magugustuhan ng mga millenials na dahil sa makabagong teknolohiya ay binabale-wala na ang pamahiing bahagi ng kulturang Pinoy.
Matutunghayan na ang epekto ng "usog" at ang lahat ng elemento ng pananakot sa "Pwera-Usog" simula Marso 8.
PHOTOS TAKEN AT THE MEDIA CONFERENCE OF PWERA-USOG
No comments:
Post a Comment