Saturday 5 April 2014

Movie Review: Echoserang Frog

An industry veteran is given a chance to produce and star in his own movie. But he quickly finds movie production isn't quite as glamorous as it seems.

Pinanood ko ang pelikulang ito in support of the comedian host Shalala na kanyang launching film. I did not expect so much on the film and enjoy watching this. Ofcourse given na funny si Shalala at pinakita niya lang ang kanyang natural na character sa pelikula. Kung paano siya magpatawa sa blind item ng Juicy ay nadala niya ito sa pelikula. Mahusay si Kiray Celis bilang suporta kay Shalala sa pelikula. Napakanatural din ng batang ito sa pagganap at mahusay sa pagpapatawa. Natuwa din ako sa takbo ng story dahil ito ay tungkol sa paggawa ng isang indie film so para sa mga nagtatarabaho sa production for sure makakarelate sila sa pelikula. Ang pinakanagustuhan ko sa pelikuka ay iyong mga nag cameo tulad na lang ni Jackyn Jose na tinuruan si Shalala ng kanyang acting and that’s one of the funny scene in the film, Anita Linda na may award winning scene sa film na spoof nila from the indie film na pinapadala abroad, finale si Derek Ramsey na talaga namang napaka kisig na lalaki at syempre ang pinaka nagustuhan kong cameo na kinaloka ko talaga ay ang kay Lav Diaz na kung saan kinukuwa nilang director ito at nag share ng input si Lav sa kung anung pede niyang gawin sa pelikula. Grabe that as such an epic scene mabuti at napapayag nila ang mailap na direkor na ito at natuwa din ako sa mag inputs na diniscuss niya sa film na kinanosebleed ni Shalala.

Marami pang nag cameo sa film na mga kaibigan ni Shalala sa industriya na dapat niyong abangan sa pelikula. Mahusay din ang other cast ng film like Joross as gay writer na very effective on his role as expected, Dennis Padilla, and Angelu De Leon na favorite scene ang umacting sa ulan. Ok din si Angelo Patrimnio as ka love team ni Kiray sa pelikula. Overall the film is an enjoyable film to watch for me sulit ang ibibayad ko dahil natuwa ako at nabusog sa mga cameo. The film is something different na putahe na pede nating panoorin na pangtanggal umay sa mga  nakasanayan na nating format na comedy na pelikula.




My  Verdict: 3/5

















No comments:

Post a Comment