A poor, self-described ugly girl takes a job as a personal maid for a rich, handsome young man. The two don't get along, but as they get tangled in their classmates' games of affection, their relationship becomes more complicated.
The official summer movie for teens from best-seling book and wattpad. The book is such a big hit last year dahil inabangan pa talaga ng mga friends ko ang pagpublish ng book nito dahil isa ito sa mga istoryang kinabaliwan nila sa wattpad. Marami ngang mga kababaihan at kabataan ang nahumaling at nagkagusto sa istorya sa wattpad na maituturing nating modern day pocketbook. Though nung nireveal yung cast may mga negative na nasabi dahil parang hindi bagay at may mga iba silang expectation pero for me ang importante mabigyan ng justice ang story sa film.
Surprisingly I did not expect na
magugustuhan ko ng sobra ang ginawa ng director sa film dahil natransform niya
ang treatment, charm, humor at kilig from book sa pelikula. I am so happy na
nabigyan ng justice yung book sa film na ito. Unexpectedly nakapagdeliver ang
mga cast sa acting. Yassi Presman na I know can act gave a brilliant character
to Lori with British accent. James Reid as Cross na infairness marunong din
umarte at nakasabay sa pelikula. Ofcourse Nadine Lustre as Eya na napakahusay
sa pelikula, natural at may dating parang siyang pinaghalong Kim Chui and
Kathryn Bernardo sa looks at kilos. At higit sa lahat ang pinkana enjoy ko sa
pelikula ay ang napakacharming na si Andre Paras as Chad more than the good
look ay may sariling character at humor din siya sa pelikula grabe. I really
like it pag nagpapatawa siya he’s so cute talaga. So these four teens are
promising and given the right break and projects will surely be a big teen
star. So I hope maalagaan ng Viva dahil
jackpot talaga sila rito.
Ang ganda ng flow ng movie, yung
intention niya editing and treatment na gets ko. Pati yung humor hindi rin
pilit at napakanatural. Screenplay is good at na adapt nila ng maayos sa book. Lumabas
talaga na maganda yung story na given na at na transform nila ng maayos sa
pelikula. May chemistry sina Nadine and James at nagyon na lang ulit ako kinilig
on watching film. Pati yung mga audience sigawan sa ilang mga eksena. Madami
rin mga scene na natuwa ang mga tao at maganda talaga reception ng film sa
audience. Maski ako ang daming beses kong natawa, naaliw at kinilig sa
pelikula. Andre Paras is a teen star to watch for pedeng pedeng pantapat ng
Viva at GMA kay Daniel Padilla. Finally nakagawa na ulit ang Viva Films ng
isang quality romcom na pede nilang pantapat sa Star Cinema. And we cannot deny
the fact that the film is such a huge hit. 2 ang inallot ng SM Megamall for the
film and when I watched almost full house at ang daming mga kabataang nanonood.
Napakalas ng hatak nito sa tao especially sa mga teens ngayun na market ng
film. Iyong mga nakabasa ng book ay pinanood talaga ang pelikula.
So congratualations to Viva Films,
to the cast and crew to the author of the book for the success of the film.
Para sa akin hindi binali ng pelikula ang istorya and treatment from the book
so it’s a good job kasi lumabas na maganda at nagustuhan ng mga nakabasa. So it’s
going to be a big challenge for the next film adaptation from wattpad series na
gagawin naman ng Star Cinema ang She’s Dating a Gangster top billed by Kathniel.
So I can predict that there will be a follow-up film for the four teen star
here under Viva and it’s going to be a trend ang pag adapt into a film ng mga
wattpad stories due to the success of Diary ng Panget. Kung gusto niyong
kiligin, matuwa at if you’re a fan of the book you should not miss this
official teen summer movie of the year.
My Verdict: 4/5
No comments:
Post a Comment