Thursday 1 August 2013
Movie Review: Quick Change
A story of suffering, acceptance, and hope, revolves around a transsexual looking for his rightful place in a messy and complicated world.
Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa buhay ng mga transgender na mahilig magpaturok upang pagandahin ang kanilang mga sarili. Maayos ang pagkakagawa ng pelikula. Ang nagustuhan ko dito ay tumawid sa akin bilang manonood ang emosyon na gustong ipakita ng pelikula. Para kasi isang journey ang pelikulang ito ipinakita lamang ang typical na buhay ng isang tranny na nabubuhay sa pagtuturok ng collagen, ipinakita ang kanyang mga customers, buhay pag-ibig at personal na suliranin na hinaharap sa buhay. Ang kamera sa pelikulang ito ay nagsilbing mga mata ng manonood upang sundan ang buhay ni Dorina.
Simple lang ang pagkakagawa at atake sa pelikula yet its effective para iparating ang gustong mensahe. It has its own silent moment and scene na may gustong iparating. Malaking tulong ang natural na pagganap ni Mimi Juareza para mapaganda ang pelikula. Laughing stock din ng audience ang relationship nila ng kanyang pamangkin na si Migs Cuaderno, isang batang hapon na marunong ng gay lingo. Migs is very charming here, mas na appreciate ko siya rito compare sa Purok 7.
Kung gusto niyong masilip ang mundo ng mga tranny and homosexual sa kasalukuyang panahon, this is commendable.The movie is successful in its goal to show the essence of the story.
My Verdict: 3.5/5
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment