By Archie Liao
Pormal nang inilunsad ng grupong InnerVoices ang kanilang Christmas song na "Pasko Sa Ating Puso" sa launch nito sa Hard Rock Café Manila kamakailan. Inawit din nila ito sa show nila sa Bar IX sa Molitos, Alabang.
Ani Atty. Rey Bergado, lider, bokalista at keyboardist ng grupo, pinili nilang maging simple subalit makabuluhan ang kanilang aginaldo sa bawa't pamilyang Pilipino.
"Sa panahon ngayon na maraming pinagdadaanan ang bansa natin, we just want to give a celebratory vibe. Iyong magaan and yet memorable," ani Atty. Rey. “After all, Christmas is about family, celebration, and most importantly, about Jesus. The song wishes everyone happiness during the season, pero more than that, sana magkaroon lahat ng kapayapaan,” dugtong niya.
Masaya naman ang bokalistang si Patrick Marcelino dahil sa kanya ipinagkatiwala ni Atty. Rey ang interprestasyon ng nasabing komposisyon.
"It's actually their second Christmas song pero ito iyong una na ipinagkatiwala na I-interpret ko,"paliwanag ni Patrick." It's something new also kasi it has a rock twist, "pahabol niya.
Sey pa niya, sobrang nagpapasalamat daw siya dahil patuloy ang paghataw ng kanilang grupo sa gigs, shows at recording ngayong taon.
"This is also our way of thanking the people who support us for the manifold blessings we receive," bulalas niya.
Maliban sa kanilang aginaldo, may mga bagong Original Pilipino Music o OPM songs ang Innervoices; ang “Shadows,” “I Will Wait for You in the Rain,” at “Saksi ang mga Tala.”
Ang “Shadows” ay mula sa komposisyon ni Atty. Rey Bergado na inareglo ni Edward Mitra.
Ang Innervoices ay binubuo ni Atty. Rey at nina Patrick Marcelino (vocals), Rene Tecson (guitar), Rey Bergado (keyboard), Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboard & vocals), at Joseph Esparrago (drums, percussion, at vocals).
Samantala, patuloy naman ang pag-ariba sa ranking ng Innervoices sa Vibe TV’s Uprising Universe countdown sa pamamagitan ng awitin nilang “Sayaw sa Ilalim ng Buwan” na humamig ng napakaraming boto mula sa mga fans at supporters ng grupo.
Ang iba pang kanta ng Innervoices ay ang “Meant to Be,” “Handa Na Kitang Mahalin,” “Galaw,” “Tubig Hangin Apoy Lupa,” at “Idlip” ay available sa iba-ibang digital streaming music platforms.

No comments:
Post a Comment