Monday, 24 June 2024

Direk Njel de Mesa hopes to make an impact with his socially relevant film, shares award with his lead actress-producer

By Archie Liao

Hindi birong aberya ang inabot ni Direk Njel de Mesa at ng kanyang team bago natapos niya ang pelikulang "Malditas in Maldives" na kinunan pa niya sa nasabing dream tourist destination. Bukod kasi sa nawalan sila ng maleta at camera equipment, nagkasakit din ang kanyang lead star na si Arci Munoz na tumatayong co-producer ng pelikula. Para naman maging smooth-sailing ang kanilang shoot at matapos ito on time, minabuting ipasara ni Direk Njel ang kanilang nirentahang resort. Sobrang bumilib naman sa professionalism at dedication ang Palanca award-winning writer at director sa kanyang cast na naging mahusay na team player throughout the shoot. Masaya rin siya sa naging pagtanggap ng mga tao na binubuo ng mga kritiko, film professionals at aficionados nang ipalabas ito sa Jinseo Arigato International Film Festival na ginanap sa Nagoya, Japan nnong Mayo 25 at 26.

Proud din siya na na-recognize ang galing ni Arci nang manalo ito ng best international Filipino actress award sa nabanggit na prestihiyosong international filmfest. "Una sa lahat, talagang deserved na deserved naman talaga niyang manalo. Lahat ng taong nakaupo. Karamihan sa kanila, lumabas na galit kay Arci. Ang dami kasi niyang ipinakitang di pangkaraniwan. Dami niyang pinakitang styles sa acting...ang lawak ng kanyang range.So, ganoon siya ka-effective.Actually, maldita talaga si Arci." aniya. Binigyan din niya ng kredito ang co-stars ni Arci na sina Kiray Celis at Janelle Tee. "Si Kiray din nanalo siya bilang best versatile comedienne. Si Janelle naman naipakita niya iyong potential niya sa comedy," pagbibida pa ni Direk Njel. Sey pa niya, ipinagmamalaki rin niya na nakagawa siya ng isang komedya na may socially relevant theme. "Iyong ganito kasing film ay tinatawag nila minsan na high concept na pag pinanood mo ay commercial na may halong art-house.Komentaryo rin siya sa society about issues about vlogging and the vlogging community," pahayag niya. Nagbahagi rin ng di makakalimutang anekdota si Direk Njel nang tanghaling best independent film studio ang kanyang film outfit na NDM Studios na nag-prodyus ng nasabing obra. "Di ko nga inaasahan.Sobrang pagod ako sa Jinseo, ano, eh...

Sa sobrang windang ko kasi bahagi naman siya ng NDM Studios dahil siya ang creative director.So, ang pinasalamatan ko, ang iniisip kong pasalamatan ay ang NDM Studios Japan at Philippines kasi sila namang lahat iyon," bulalas niya." Sa sobrang pagod ko, di ko siya (Arci) na-acknowledge. Di ko napasalamatan ang kapatid ko (referring to Arci) dahil sa sobrang windang ko.Actually, di ko naman magagawa ito kung di siya nandiyan.Kasi hinahayaan niya akong maging magaling in the same way na hinayaan ko rin siyang maging magaling," esplika niya. Sey pa niya, saka lang daw siya nahimasmasan sa kanyang pagkalutang pagkatapos ng tatlong araw. "Three days later ko pa na-realize na hindi ko pala siya napasalamatan.Siyempre, aside from her, nagpapasalamat ako may Ms. Jan, the love of my life na siyang katuwang ko sa trabaho.Siya itong tumanggap ng award. 

Siya iyong pina-accept ko dahil di ako makatayo sa sobrang pagod," pagtatapos niya. Bukod sa nabanggit na pelikula, naging patok din sa Jinseo Arigato International Film Festival ang isa pang NDM Studios movie na “Mama ‘San?” na pinagbibidahan ni Shaneley Santos. Gumawa rin ng ingay ang kakaibang thriller na tulad ng “Coronaphobia” starring Daiana Menezes and Will Devaughn. Libre namang napanood sa festival ang “Creepy Shorts Anthology” at ang 1st Prize Don Carlos Palanca Award-winning film na “Subtext” starring Paolo Contis, Ciara Sotto at Ely Cellan. Nakapasok rin sa official selection category ang “Must Give Us Pause” na isang matinding drama story tungkol sa mental health.

No comments:

Post a Comment