Monday 18 July 2022

Cloe talks about her emotional connection with her mother

 

By Archie Liao

Masaya si Cloe Barretto dahil natupad ang pangarap niya na makatrabaho ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose. Kinabahan daw talaga siya at sobra ang nerbiyos nang makaeksena ang award-winning actress. “Noong una po kasi talagang kinakabahan talaga ako.

Parang siya lang po ang nagpakalma sa akin na chill lang daw dapat kasi, naaano po ako, nape-pressure ako, sobrang galing niya po and idol ko po kasi si Ms Jaclyn. Kaya ‘yun po, kinakabahan po ako nun’g scene namin,” kuwento ni Cloe. Gayunpaman, labis daw siyang nagpapasalamat dahil sa pag-alalay sa kanya at pagiging generous ni Jaclyn sa kanilang mga eksena kung saan nabigyan siya ng pagkakataon to shine on her own. Marami raw siyang natutunan sa beteranang aktres pagdating sa acting.

Isa na raw dito ang pag-arte nang natural at hindi pakikipagsapawan sa mga eksena. Payo rin daw nito na kung gagawa siya ng love scenes, gawin na raw nito nang walang kiyeme para hindi na umulit pa. “Madami po, eh, sobrang dami. Pero ‘yung pinaka-natandaan ko po, ‘yung sa love scene po. Sabi niya, ‘kapagka gagawa ka ng love scene, gawin mo na lahat,’ sabi niya, ‘para hindi ka na mag-take 2 kasi mahirap.’ ‘Yun po ‘yung tumatak talaga sa akin,” sey ni Cloe. Tungkol naman sa tema ng relasyon ng mag-ina sa pelikula, aniya, nakaka-relate raw siya rito kahit masasabing hindi ideal na example ang mother niya sa movie. Emosyonal daw kasi siya kapag usaping mag-ina na ang pinag-uusapan kasama na rito ang kanyang relasyon sa kanyang talent manager na itinuturing na niyang pangalawang ina. “Hindi ko makakalimutan ‘yung paulit-ulit akong tinanggap ng aking nanay kahit na paulit-ulit din na gumagawa ng mali,” ani Cloe.

“Sorry ha, basta nanay talaga ang pinag-uusapan e, naiiyak ako,” emosyonal niyang pahabol. Aminado naman kasi siyang hindi siya perpekto at minsan ay nagiging pasaway. Ang maganda lang daw sa itinuturing niyang nanay at manager na si Len Carillo ay patuloy pa rin siyang tinatanggap nito tuwing siya'y nagkakamali. Kung pumutol siya ng ari sa Silab at kumatay ng mga lalake sa Tahan, palagay daw niya ay puwede pa niyang panindigan na gumanap sa mas intense na roles in the future. 

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio,Jr.,tampok din sa pelikula sina JC Santos,Quinn Carillo, Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose at Stiff Banzon. Iprinudyus ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at Mentorque Productions ni John Brian Diamante, ang Tahan ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Hulyo 22.

 

No comments:

Post a Comment