Friday 6 May 2022

Tony feels vindicated after winning court case

 

By Archie Liao

Pagkatapos pawalang-sala sa kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kanya, ngayon ay makakahinga na ng maluwag ang hunk actor na si Tony Labrusca. Feeling kasi niya, nabunutan siya ng malaking tinik sa kanyang dibdib. Aniya, grabeng anxiety din daw kasi ang idinulot sa kanya ng kinasangkutang gulo. Aminado kasi siyang hindi lang siya ang naapektuhan kundi pati na ang kanyang pamilya. Kumbaga, ngayon ay parang nagsisimula na naman siya dahil he’s off for a fresh start.

 “I mean, you know, it’s nice, kasi, wala naman akong ginawang masama, di ba? Mabuti naman akong tao, pero naging problema ko siya. I didn’t ask for it, I didn’t choose it, but it happened to me. It sucks!,”paliwanag niya. “So, I guess now, yeah, I’m grateful that I can breathe again. I wished that it didn’t have to happen in the first place but it is what it is,” dugtong niya. Gayunpaman, may babaunin daw naman siyang leksyon na natutunan niya sa kanyang naging karanasan. 

Isa na raw dito ay ang huwag masyadong magtiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya. “Kailangan mong mag-ingat kasi may masasamang tao talaga diyan sa paligid mo. ‘Yung mga akala mong kaibigan mo. . .alam mo ‘yun? I think, parang just always save some from yourself. Saka mag-ingat ka lang. Huwag ka lang masyadong magtiwala kasi may mga tao talaga na masama. Saka ano, when certain things happen in your life, it’s so easy to want to fight back, it’s often the easier choice to go down to you know, a dirty level. But when you just stay gracious and when you stay in you own lane and you take a higher road which is often very lonely, it’s a very painful road to take on your own,”paliwanag niya. 

Hindi raw naman niya pinagsisisihan ang pananahimik niya sa kasagsagan ng kontrobersya sa kanya dahil naniniwala siyang mananaig ang katotohanan at katarungan sa huli, lalo pa’t wala naman siyang inagrabyadong tao. “At the end it’s just so much more gratifying knowing that you kept your dignity in that and that you didn’t have to bring other people down.And justice is served, you know, I won the case, I’m still here and I didn’t have to bring anybody down but I won,”esplika niya. 

Hirit pa niya, hindi raw siya naging paranoid pagkatapos ng kanyang naging karanasan, kundi naging wiser and more discerning sa kanyang actions. Hindi rin daw siya nagtanim ng galit sa mga taong gumawa nang hindi maganda sa kanya. Si Tony ay mapapanood sa pelikulang “Breathe Again”kung saan ginagampanan niya ang role ni Robert, isang diving instructor na nagkaroon ng affair kay Joanna (Ariella Arida), na engaged sa nobyo nitong si Paolo(Ivan Padilla). 

Ang pelikula na hitik sa mga maroromansang tagpo ay idinirek ni Raffy Francisco at mapapanood na Vivamax simula sa Hunyo 3.

No comments:

Post a Comment