Tuesday 11 January 2022

Quizon CT, the newest gag show to make a mark

 

By Archie Liao

Successful ang pilot episode ng Quizon CT o Quizon Comedy Theater na mag-premiere sa NET25 noong Enero 9.

Ayon nga sa executive nitong si Caesar Vallejos, ito na raw ang isa sa highest rating show nila ngayon.

Ang nasabing gag show na punung-puno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines ay mapapanood tuwing Linggo sa ganap na alas-8 ng gabi.

Pinagbibidahan ito ng mga anak ni “King of Comedy” Dolphy, na sina Eric, Epi Quizon at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon na isang rebelasyon bilang komedyante.

Tampok din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

Ang naturang palabas ay mula sa direksyon nina Eric Quizon at Epi Quizon.

 

No comments:

Post a Comment