Saturday 18 December 2021

Direk Brillante Mendoza praises Vince's raw talent

 

By Archie Liao

Para sa Cannes award-winning at internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza, next important to watch si Vince Rillon.

Aniya,  sobrang bilib daw siya sa passion at dedication ng aktor sa trabaho.

"Well,  nakatrabaho na niya ang ibang direktor. Gusto nilang umulit sa kanya, alam mo iyon. Hinahanap-hanap siya. Ngayon, nakatrabaho na niya si Direk Roman Perez sa Siklo, ayaw nang pakawalan. Lahat ng mga pelikula, gusto niya siya kasi maliban sa natural iyong acting niya,  maganda siyang katrabaho.Very cooperative, hindi feeling artista.Dala-dala niya iyong attitude sa indie kung saan nanggaling si Coco, "ani Direk Brillante.

Dagdag pa niya, nakikita rin daw niya ang similarity ni Vince kay Coco Martin na nagsimula rin sa kanya.

"Iyong similarity siguro sa ugali. Medyo very down-to-earth. Tapos parang hindi naman sila nanggaling sa mayamang pamilya.Saka nakikita kong may ambisyon at basically mabuting tao, kaya that's why I want to help them, "pahayag niya.

Gayunpaman,  may kanyang istilo raw naman para sa kanya si Vince.

"Magkaiba sila ni Coco. Si Vince kasi very raw. Iyon ang gusto ko sa kanya.Kahit anong ibato mo sa kanya, gagawin niya. Iyon ang maganda sa kanya. Parang wala lang sa kanya pero pag dineliver niya, nakikita mo iyong karakter sa kanya, "paliwanag niya.

Hirit pa niya,  hindi raw naman niya mimomolde ang protegee para maging award-winning actor si Vince kundi para maging isang propesyonal na artista.

"Ako naman, lagi kong sinasabi, lahat naman tayo gusto ng recognition o magkaroon ng award pero dapat na ayusin muna niya ang trabaho and then recognition will follow. Ang hirap ding mag-expect.As much as possible, hinihila ko talaga siya pababa. Gusto ko ang paa nila nakatuntong sa lupa. Kahit naman sa akin, hindi siya nakakatikim ng papuri. I just let him do the work. Iyon naman talaga ang gawain namin bilang direktor at artista, "pagwawakas niya.

Si Direk Brillante ang direktor ni Vince sa BL movie na Sisid na palabas na sa susunod na taon.

Si Vince ang bida sa pelikulang Siklo ni Roman Perez, Jr. na opening salvo ng Vivamax sa 2022.

Nakatakda rin niyang simulan ang L, Iskandalo at Bilibid Boys.

Kasalukuyan din niyang ginagawa ang Bigwas tungkol sa Philippine underground fighting sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Kasama rin siya sa pelikulang Pula nina Coco Martin at Julia Montes.

 

No comments:

Post a Comment