Monday, 27 September 2021

Dahil #AtinAngSimpleJoys: Magsayaw, magtanim kasama ang Globe at TikTok para sa Mental Health

 

Gumiling-giling at ilabas na ang itinatagong dance moves para makisaya sa bagong TikTok challenge na siguradong makakabawas sa lungkot at makagagaan ng pakiramdam. Maaari pang makatulong kay Mother Earth mula sa libreng mga
punla o seedling na ipamimigay ng Globe Bridging Communities (Globe Bridgecom).

Dahil gusto ng Globe Bridgecom na mapabuti ang mental health ng bawat isa, hatid nito ang #PlantHappinessPH #AtinAngSimpleJoys dance challenge gamit ang nakapagbibigay-inspirasyong kanta na “Better Days 2.0” ng Pinoy singer at rapper
na si Quest. Isa itong paalala na kahit maraming problemang dala ang kasalukuyang pandemya, kaya pa ring mapaganda ang araw ng lahat sa tulong ng mga simple at maliliit na bagay gaya ng mga hobby na nakakaalis ng stress.

Ang choreography ng #PlantHappinessPH #AtinAngSimpleJoys dance challenge ay binuo ng popular na TikTok star na si Ceejay Laqui, na siya ring gumawa ng viral na Ever After dance challenge. Makakasama mo rin ang mga celebrity talents at influencers na sina Sanya Lopez, Mark Herras, at Rodjun Cruz ng GMA; Myx VJ Ai dela Cruz, at Joj at Jai Agpangan ng ABS-CBN Pinoy Big Brother.

 
 



 
Kung gusto mong subukang maging plantito o plantita, mayroong mga seedling ng langka at guyabano na inihanda ang Globe Bridgecom para sa lahat ng sasali na taga Greater Manila Area. Ang mga nasa ibang lugar naman ay makakatanggap ng mga punla ng punong Supa at Bignay.
 
Ang mga punla ay galing sa mga partners ng Globe, ang Philippine Native Tree Enthusiasts at Mead Foundation. Bumisita sa https:/ 0917lifestyle.com/products/philippine-native-tree-seeds-and-seedlings at gamitin ang SIMPLEJOYS promo code sa check out para makuha ang mga ito ng libre.

At dahil #GDayEveryday sa buwan ng Setyembre dala ng 917 celebration, ang mga Globe at TM customers na sasali sa dance challenge ay pwedeng manalo ng 917 Rewards points na magagamit nila para makakuha ng mga freebies o discount sa mga paborito nilang shops. Tatlumpung winners ang pipiliin.
 
“Sa gitna ng hamon ng pandemya, nais naming ipaalala sa lahat na hindi sila nag- iisa sa kanilang laban sa stress. Importanteng mapanatiling maayos ang mental health kaya’t malaking tulong dito ang mga healthy hobbies na nagdudulot ng simpleng kasiyahan,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at Senior
Vice President for Corporate Communications ng Globe.

Kung mayroong depression, anxiety, o anomang sakit, maaari ring magpakonsulta sa mga duktor at espesyalista gamit ang KonsultaMD at HealthNow apps.
 
Ang mental health at wellness ay kabilang sa pinagtutuunan ng pansin ng Globe para sa ikabubuti ng lahat. Ito ay bahagi ng pagsuporta ng kumpanya sa 10 United Nations Sustainable Development Goals at ang UN Global Compact Principles. Para makita ang Globe #PlantHappinessPH #AtinAngSimpleJoys campaign sa TikTok, puntahan ang https://vt.tiktok.com/ZSe1vWGBn/.
 

No comments:

Post a Comment