Written by Archie Liao
Siya rin ang director ng “Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington”, “My Kontrabida Girl”, “Juana C., The Movie” at “My Lady Boss”.
Ngayong taong ito, muli na naman siyang magpapakitang –gilas sa pelikulang “LSS:Last Song Syndrome” na kanyang idinirehe para sa Globe Studios at Dokimos Media Studios at opisyal na kalahok sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
Ayon kay Jade, dream-come true para sa kanya ang makagawa ng isang musical film tulad ng LSS.
“Actually, hindi sa akin galing iyong concept . Noong kinuha nila ako, meron na silang concept. Iyong Dokimos, iyong partner ng Globe, sinuggest nila roon sa gumawa ng score ng Hello, Love, Goodbye na gusto nilang gumawa ng musical o music-driven film na music ng Ben and Ben. Tapos, hindi pa buo ang kuwento talagang parang concept pa lang, kinuha nila ako. Sabi ko, game. Matagal ko na kasing gustong gumawa ng musical,” kuwento niya. Thankful din siya dahil sa ibinigay na suporta ng producers sa kanyang first music-driven film.
“Alam mo naman sa atin, laging nagtitipid sa budget. Pag minsan pag gusto mo ng maraming kanta, hindi ma-afford ng production iyong maraming kanta. Paisa-isa lang, one theme song, so ganoon. So heto, noong sinabi sa akin na magkakaroon ng buong catalogue iyong isang banda, tapos love ko pa ang iyong banda, sabi ko, game. Gawin natin ito, so iyon talaga ang simula tapos binuo na namin iyong project. So,ang inspirasyon dito ay iyong music. Kasi parang ano ba ang laman ng music? Ano ba iyong feeling ng music? Actually, para sa kabataan iyong music, so kuwento siya ng kabataan. Most of the songs are love songs . Doon nangyari iyon so naging coming of age-romance,” paliwanag niya.
Kumpara sa ibang pelikulang nagawa na tungkol sa lovers na pinag-ugnay ng musika tulad ng The Breakup Playlist, iba raw naman ang kuwento ng LSS.
“Iba kasi ang kuwento niya. Dito, nangangarap pa lang iyong isa sa kanila na maging musician. Iyong isa naman ay walang hilig na maging musician at fan lang. Ito talaga iyong tungkol sa kung sino ang naniniwala sa iyo… that love is believing in each other. Kahit hindi mo pangarap iyong pangarap niya, naniniwala ka sa kanya. You find fulfillment kapag natutupad ng mahal mo ang pangarap niya. Tapos, napu-push ninyo ang isa’t-isa para maging matapang,” pahayag niya. “Tapos, iyong movie is not all about love, kundi family and relationships na pinatingkad ng music,” pahabol niya.
Kasama sa pelikula ang popular na bandang Ben and Ben sa kanilang acting debut. Aminado rin si Jade na fan siya ng nasabing banda kaya nakatulong ito para mabigyan niya ng buhay ng kanilang kuwento.
“Isa sa mga goal namin ay ma-capture sila kung gaano sila kaganda kapag live. May mga eksena dito na tumutugtog sila. Ginawa naming i-set siya na parang totoong concert. Dahil kuwento rin ito ng pagsikat, kinunan namin siya kung saan sila tumutugtog noong mga panahong hindi pa sila sikat. Nag-shoot kami roon sa malilit na bar. Pati iyong mga songs nila mula luma, hanggang bago, kasama sa movie,” ani Direk Jade.
Puring-puri rin niya ang Ben and Ben na ang iba ay nakitaan niya ng potensyal sa pag-arte.
“Actually, ipinakikita rin dito iyong struggles , iyong nangyayari talaga, sa studio, sa bar, kung saan kumakanta sila na lima lamang ang nanonood sa kanila hanggang sa naging in demand sila. Happy kami dahil realistic ang naging approach namin at hindi siya pantasya,” saad niya.
Sey pa niya, sumailalim daw sa workshop ang grupo bilang paghahanda sa kanilang mga eksena. “Na-realize naming karamihan sa kanila, may talent. May kanya-kanya silang personality na ibinagay namin sa iskrip nila. Hindi naman siya naging malaking problema, because they’re playing themselves. In real life kasi, maganda ang personality nila, so ang goal ko as a director ay palabasin iyon,” pagtatapos niya.
Bukod sa Ben and Ben, sobrang bilib din siya sa kanyang mga bidang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia bilang estrangherong pinagtagpo ng pagmamahal sa musika.
Ang “LSS: Last Song Syndrome” ay kalahok sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood na sa buong bansa simula sa Setyembre 13.
Nakilala ang
award-winning screenwriter-director na si Jade Castro sa pelikulang Endo
na nagwagi ng Jury Prize sa 3rd Cinemalaya Independent Film Festival at
Gawad Urian for best screenplay noong 2007.

No comments:
Post a Comment